How to Kill a President

29 02 2008

Nakakaburat ang mga nangyayari sa bansa natin.  Bilib na bilib pa naman sa ‘kin ‘yung mga kaopismeyts ko pag nagsasabi ako ng huwag mag-abrod. ‘You are God’s little blessing to this country . This country is failing your expectations but you are still here to give it a chance’.   Kahit ako tuloy parang ayaw ko nang maniwala sa mga pinagsasabi ko.  Ultimo ‘yung pagsasabi ko ng ‘Pogi ako’, ayaw ko na ring paniwalaan. 

Parang gusto ko na ngang magpakalayo-layo at sa ibang bansa na lang tumira.  Gagamitin ko na lang ang talino at yabang ko para lalo pang paunlarin ang mga bansang tulad ng Singapore at Australia.  At siyempre, dun na rin ako magba-blog.  Sisimulan ko ang aking blogpost ng payak na bati tulad ng ‘Gud day mate.  Greetings from down undah’.  Pero sa kabilang banda, nagdadalawang isip pa din naman akong iwanan ‘tong bansang ‘to.  Isipin mo kung si Lozada na intsik beho ay mahal na mahal ang Pinas, ako pa kaya na isang lehitimong 100% purong exotic na nagmula pa sa mga lahing Ita-Indones-Malay.   

Medyo nakakabadtrip nga lang talagang isipin na ‘yung pipti tawsan pesos na tax na binabayaran ko taun-taon e mababalitaan ko na lang sa tv na ninanakaw na pala ng mga pulitiko.  Amazing packing sheet.  Pipti tawsan pesos, isipin mo yon?  Buti sana kung pinambili ng gobyerno ng asin na sinasahog sa kanin ng mga taga Payatas, e hindi eh.  Nakakahinayang. Biruin mo, ilang DVD ng haponesang hubad na sumisigaw ng ‘Boku no shiri ni kisu siro’ [kiss my ass] sana ang mapapanood ko sa halagang pipti tawsan.  Inis. 

Para mabawasan ang tantrums ko, boys night out kami nung isang gabi para manood ng Vantage Point sa Greenbelt kasama ang ‘Tatlong Itlog’ at si pareng Jay.  Hindi ko alam kung nananadya pero tayming naman ang pelikulang Vantage Point sa nae-experience nating gulong pulitika dito sa Pinas.  Tungkol ito sa assassination attempts sa Presidente ng US.  Umiikot ang kwento sa iba’t ibang point of views ng walong taong sangkot sa gulo – sina Dennis Quaid na gumanap na bodyguard ng presidente,   Matthew Fox na bumalimbing sa kalaban, Forest Whitaker [‘yung gumanap sa Last King of Scotland] bilang usisero at marami pang iba.  Pero eto na yata ang pinaka-astig na napanood ko ngayong taon.  San ka pa nakapanood ng pelikulang panay ang rewind – paatras ang sequence of events para matunton ang mastermind sa pagkakabaril ng Presidente.  Mamya ipa-flash sa screen ay ‘20 minutes ago’, tapos mamya ‘1 hour ago’, ‘1 day ago’.  Kala ko nga masosobrahan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan e umabot na hanggang panahon kung kelan nabuo ang lupa, karagatan at atmospera sa mundo.   

Heckshuli, nakakatanggal ng bad trip ‘yung pelikula basta isipin mo lang ‘yung mga binabaril ay sina First Gentleman, Abalos, at Neri.  Isama mo na rin si Lozada at iba pa.  Bakit ba nangengealam ka, gusto ko nga siyang isama. Spoiler Alert!  Eto lang ang pelikulang hindi ko nahulaan ang mastermind ng assassination.  Kahit ikaw hindi mo talaga mahuhulaan. Pramis.  Oo, ‘yung mamang sorbetero lang pala ang may pakana ng lahat ng kaguluhan.  Natalo tuloy ako sa pustahan.  Iniisip ko kasi ‘yung mastermind ay ‘yung paslit na babaeng pakalat kalat sa bawat eksena.  Malay mo, may part II, ‘yung bata pala talaga mastermind.   

Pwede kayang mangyari din ang ganitong assassination attempt kay GMA?  Posible.  Pag nangyari ‘yun, hindi malayong ang master mind ay ‘yung nagbebenta ng taho sa tabi tabi ng Malacañang.  [Attention intelligence unit ng kapulisan, PSG, ayan, binibigyan ko na kayo ng tip].  

May mga bloopers  din ang pelikula.  Sa Salamanca, Spain ang location ng pagkaka-assassinate sa presidente.  Nagkaroon kasi ng car chase sa skyway at overpass para tugisin ang mga salarin.  Pero ang totoo walang skyway at overpass sa Salamanca.  Pag pinanood mo ng mabuti, parang naghahabulan sila sa skyway galing Alabang at overpass sa may bandang Cubao, hanggang maghabulan sa Quiapo sa loob ng muslim compound na nagbebenta ng pirated DVDs.  Hula ko, dito talaga sa Pinas ‘yung shooting, malamang nagtipid ang producer.  Nakita ko pa nga si Lito Lapid at Robin Padilla na tumambling tambling e. 

Nung huli, na-save ng body guard ang presidente.  Nagpasalamat ang presidente sa guard at nag-moment silang dalawa, akala tuloy ni pareng Abjil gay movie ang pinapanood namin.  Oo, matinding conspiracy theory talaga to dahil mukang may relasyon nga ang bodyguard at ang presidente ng US.   

Advertisements




Harry Potter and the Order of the Phoenix: A Retard’s Review

23 07 2007

What do some Europeans think of Pinoys?  My London immigrant ex-classmate in law school Ross [who broke my bespren’s heart for a bigger foreynjer dick] was told, “You’re english is awkward and phoney”.  Don’t worry Europeans, the feeling is mutual.  We hate listening to you either.   Nung nanood nga ako ng Harry Potter and the Order of the Phoenix, di ko maintindihan ‘yung mga last lines para tuloy akong nagpi-fill in the blanks sa mga dialogues [excuse my being a retard].  Heto ang mga linyang di pumasa sa aking very discriminating sense of hearing: 

Lord Voldemort:  You are weak Hari Potah… [nakng potah ka din, bakit ba kelangan mong magmura?] 

Ron:  Wash your problem Harry?  Wash your problem!?  [sige nga ikusot mo nga] 

Dolores Umbridge:  Harry, you know deep down yourself, you deserve to be [garbled enunciation]…[ah… you deserve to be an honor student? A wakokok? Ewan.  Sana nilagyan na lang ng print dialogue sa baba] 

Marami pang iba siyempre.  Ngayon lang kasi ako nanood ng seryosohan.  Previous Harry Potter movies, naglalambutsingan lang kami ni BebeKo sa sinehan kasama ang kunsintidor kong brader-in-law [”Sige mag-kiss lang kayo, di ko kayo isusumbong”]  Hehe.  Manonood sana talaga kaming dalawa ni BebeKo as I understood it, kaso nung nasa Alabang na, nagdalawang isip di daw niya dala ’yung kumot niya.  Hala naku, pede ko naman siyang painitin sa sine.  Naka-jacket po kasi ako.  Hehe.. 

Naexcite ako masyado dun sa chant na pampatilapon ng kalaban.  Sinusubukan ko nga sa boss kong si Gardo pag tumatalikod gamit ko ang signing pen. 

Me:  Stupefy! 

Boss: [sabay lingon]  Ginagawa mo? 

Me:  Bos, practice lang ng fencing.  Hehe. 

The Order of the Phoenix is the fifth installment of the Harry Potter series which grossed about $44.8M in the opening day, the best single-day gross for a movie.  The Order of the Phoenix shows the powerplay between Dumbledore and the Wizard authorities over the looming return of Lord Voldemort.  As the bureaucrats slowly seizes power over the Hogwarts school, Dumbledore has the group ‘Order of the Phoenix’ behind him plus the student army formed by Harry Potter.   

Ober all, lumabas kami ng mga opismeyts kong ’di gaanong satisfied.  Nabangga ko pa tuloy ’yung artistang si Ryan Agoncillo sa Greenbelt3.  Buti na lang mas malaki ako kaya di umangal.   

Pansin ko, sumasabay na din sa galing ng Pinoy movies ang mga banyaga.  The usual ending in a Pinoy movie where authorities are 5 minutes late in the scene, ganung-ganun din sa Harry Potter.  Nagsidatingan ang mga miyembro ng Order of the Phoenix nung patapos na ang ‘battle royale’ nina Harry Potter, Dumbledore vs Lord Voldemort.  Sarap ngang bigyan ng ‘Dumating Pa Kayo’ Award ‘tong mga order of the penixes na ‘to.  Pero siyempre kung pinulbos na nila si Voldemort, ‘ala nang Harry Potter 6 and 7.  Hehe…The Half-Blood Prince film is scheduled to be shown on November 21, 2008 and the Deathly Hallows in 2009.





Transformers: There’s More Than Meets The Eye

9 07 2007

Choosing between watching a friend’s impeccable portrayal in the play “Three Unsent Letters” at the Virgin Labfest in CCP Complex and watching Transformers, I’ve got to watch the Transformers!  Plus, I was warned the former has some graphic scenes, and no self-respecting man would want to watch his friend’s public display of balls.  [Sorry, Al] Ma-shock pa si BebeKo mamaya at sabihing ‘Are those your kind of prens?’. 

The Transformers, like any Michael Bay film has the signature fusion of humor and action [like my peyborit ultimate laugh out movie Bad Boys II].  The point of views is a real crack up as one frame shows testosterone-charged Sam (Shia LaBeouf ) struggling to score over hot chick Mikaela (Megan Fox) then suddenly transitions to looming war games in Qatar between Scorponok (evil robot) and US soldiers.  Well, sex and war have same objective:  to score. The good robots in the movie are led by Optimus Prime, astig na pangalan kaso tunog gatas ng mga nag-uulyanin.  The decepticons or bad robots are led by master Megatron, no relations to ate Shawie pero parehong malaki ang panga.   

Transformers is the invasion of robots from planet Cybertron.  Mga bulalakaw silang nahuhulog galing kalawakan.  They’re called autobots because of their ability to adopt to an unfamiliar territory and their power to mimic features of any object they want and ‘transform’ it into an advanced fighting machine.   Isipin mo na lang kung dito nahulog sa Pinas ‘yung mga autobots na ‘yun.  Pag sa may bandang Quiapo nahulog at ginaya ’yung mga pirated DVDs dun, wala sigurong gagawin ’yung autobot na ’yun kundi magtatalon-talon.  Por life.  Kung sa may bandang Raon naman na sikat na bilihan ng mga synthethic crying vaginas [’yung pag dinudutdot mo ay humahalinghing], siguradong ang labas non ay isang advanced RoboPekpek – ang tagapagtanggol ng mga naaaping pekpek.  Lalamunin nya ang lahat ng mga manyak sa Metro Manila [which comprises of 95% of the male population, tayo naman ung upper 5%, hahaha!].  Kung si BumbleBee naman dito nahulog siguradong BumbleJeep ang kalalabasan nun, at pagpipilitan ng mga call center boys [‘yung mga taga-sigaw sa terminal ng jeep] na pagkasyahin ang tatlong dosenang pasahero.   

Sige kasya pa! Kasya pa!
[Kahit one-inch na lang ’yung natitirang space sasabihing kasya pa, tarantado talaga ’yang mga call center boys na ’yan].   

May emote scene din sa Transformers.  Nung pinagpira-piraso ni Megatron si Jazz – isang modified Pontiac Solstice in three-seconds, nalungkot ako bigla kasi kamukha ni Jazz si Hulog, ’yung  motor ko sa probinsiya.  Hulog ang tawag ko dun kasi hulugan in three years, saka hulog ng langit na din sa ’kin.  Dami na naming pinagsamahan nun. Kung paano ako nakakauwi ng bahay ng madaling araw kahit sobrang wasted na ako, I owe it to him.  Pag nagti-trip din akong mag-stargazing over a bottle of Red Horse sa Buntun Bridge, [second longest bridge sa Pinas] pede kong gawin anytime dahil always redi si Hulog.  Nag-email nga kahapon si Kuya, nakita daw niya si Mommy  umiiyak at hinahaplos-haplos si Hulog sa garahe.  Miss na din talaga ako ng Mommy ko.  Miss ko na silang lahat. 

Moral lesson ng movie is ‘There is more than meets the eye’.  Pag ginawa mo siyang bugtong, masasagot din ‘yan ng makulit kong pamangkin na si Duday.  Sasabihin no’n ay muta.  But seriousli, there are hidden meanings to a person or person’s act or way of life.  Kahit naman mukhang pokpok material si Mikaela (Fox) ay  maabilidad sa kotse.  Kaya di lahat ng may big boobs e walang brain cells.  Or something like that.