Couldn’t Ask For More

6 05 2008

Hapi bertdey BebeKo.  At dahil ayaw ng mga babaeng nababanggit ang edad nila, hindi ko sasabihing beinte nuebe ka na ngayon.  At dahil ayaw din ng mga babaeng nasasabihan silang matanda, hindi ko din ipapaalala sa ‘yo na mas bata ako ng isang buwan at dalawang linggo.  Ok ba?

 

Andami na nating pinagdaanan sa buhay.  Nakita mo kung pano ako nagbehave mula sa isang pagiging siraulong uhuging disc jockey,  ngayon isa na akong good boy at part time superhero.  Kung dati ako ang ini-stalk mo, inaabangan na marinig ang boses sa radyo at pag di pa nakontento, pasilip silip sa likod ng traysikel malapit sa tindahan namin at nagbabakasakaling masilayan ang anino ko.  Kala ko pa naman hard-to-reach hot tsik kolehiyala ka pa no’n, ‘yun pala, hobby mo na ang pagpantasyahan ako.  Hehe.  Pero ngayon bumaliktad na ang mundo, ako na ang adik na adik sa ‘yo.  Ultimo panty mo, hinahalik-halikan ko.

 

Noon, parang di pa ako seryoso.  Nung panahong ‘tayo’ na nga, hindi man lang kita binigyan kahit lantang red roses.  Pag lumalabas tayo, kung minsan, ikaw pa taya.  Kahit nga sunduin ka sa school pagkatapos ng klase mo, di mo ako maasahan.   

 

Pero hinintay mong magbago ako.  Andami mo ngang hirap sa akin.  Sa law school dati, nahuli mong nakalambitin sa akin ‘yung mga bebot tapos sa harapan mo pa.  Alam kong nasaktan ka dun.  Magpapaliwanang naman ako.  Akala ko kasi gusto lang nilang mag-Tarzan kaya hinahayaan ko lang silang magbaging sa malalaking braso ko.  Ilang araw tayong hindi nagkibuan.  Nung sumunod na araw, nagkasalubong tayo.  Hindi ka nagalit sa akin.  Pilit mong iniintindi ang mga kagaguhan ko.  Kung tutuusin pwede naman sana akong umiwas sa mga ‘yun pero kung bakit di nag-iisip ang kukote ko minsan.

 

Ayaw sa akin dati nina Mama mo saka ni Daddy.  Meron naman kasing mayamang bumbay na may karag-karag na kotse na nanliligaw at sumusundo sa ‘yo, bakit ako pa ang pinili mo.  Pag nagtatampo ka pa nga dati, sinasabihan mo ako ng ‘isang krimen ang mahalin ka’, pero anong nangyari ba’t tayo pa rin hanggang sa huli?  Ano bang nakita mo sa akin at nagawa mong talikuran ang buong mundo para makasama ako?

 

Nakailang break ups ba tayo noon? Tatlo, dalawa pa dun ay tumagal lang ng ilang minuto.  ‘Yung pangatlong break up ang seryosohan.  Alala mo pa ba?  Nasa tuktok tayo ng burol nun, magdidilim na.  Nagda-drama ka pa nga ng inglis sakin sabi mo, ‘Please, when you walk away, don’t look back so you won’t see me hurt’.  Para nakatalikod lang ako at naglilinis ng spark plug ng motorsiklo nagdrama ka na agad.  Oo nga naman pala, sinugod ka kasi ng isang nagmamagandang dilag kaninang umaga dahil sa akin [isang malinaw na kaso ng delusion].  Nagtapang-tapangan ka.  Pinakain mo si hitad ng maaanghang na salita.  Maluluma ang binitawang salita ni Cheri Gil kay Sharon Cuneta na ‘You’re nothing but a second rate TH copy cat’ sa imortal na linyang sinabi mo:  ‘Babae, andami namang bayag diyan sa paligid, hindi ka ba makahanap at kailangan mong makipagsiksikan?’.  Classic.  Pero alam ko napapagod ka na din sa kin.  Sawang sawa ka na sa kung sino-sinong umaaligid at gumagawa ng kwento sa ‘tin.   Isang malaking showbiz ang paligid natin.  Nagawa nila ‘yun kay Sharon at Gabby, pero di ko papayagang gawin din nila sa atin ‘yun.

 

Kaninang madaling araw, di mo alam, naalimpungatan ako, pinapanood kitang matulog ng mahimbing.  Ansarap mong tignan habang sarap na sarap kang sinisiksik ang mukha mo sa kili-kili ko, para bang ‘yung kili-kili ko na ang pinakamabangong unan sa mundo.  BebeKo, sigurado ka bang hindi ka basurera nung past life mo?  Hehe, biro lang po.  Gusto ko nga, pag gumigising ako, ikaw agad ang makikita ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang hanggan, kahit maputi na ang pubic hair ko.   

 

Naisip ko, mahal talaga ako ng Diyos.  Sa dinami-dami ng kalokohan ko sa buhay, ikaw pa ang binigay niya sa akin.  Napapailing na lang ako, ‘Kung sino ang ibinigay ng Diyos sa buhay mo,  isipin mo lang ganyan ka kamahal ng Diyos’.

 

Salamat sa lahat lahat.  Ikaw lang labs ko.  At para sa ‘king bespren, soulmate, at ka-wrestlingan tuwing umaga, gabi at madaling araw, Hapi Hapi Bertdey BebeKo!     

Advertisements




License To Wed

10 12 2007

Civil wedding sana namin ni BebeKo nu’ng June sa probinsiya pero dahil nga childhood dreams niya ang maglakad pagong sa gitna ng simbahan, naging December para makapag-ipon ng maipapakain sa mga kung sinong ‘hu u ba?’ na iimbitahin.  Sabi ko nga baka pwede namang mag-packed lunch na lang ang mga bisita, ayaw ba naman.  Kung pwede lang naman. Haha.  Hirap magpakasal ngayon, di tulad nung panahon ni Eba saka Adan.  Lambutsingan to da max agad, wala nang rece-reception na nangyari.  Ang handa nga lang nila ay isang epol na naging mitsa pa ng pagiging makasalanan ng mundo [at di ko pa din makuha ang logic na naging makasalanan ang bilyon-bilyong tao dahil sa pagkagat sa epol na ‘yan].  

Pero kahit sabihin pang conservative ang Pilipins, nire-recognize ng ating batas ang pagiging natural na malibog ng mga Pinoy.  In pak, Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang pagsasama ni lalake at babae as live in pakners for a minimum of 5 years ay ground for exemption para kumuha ng marriage license bago magpakasal.  In short, di na kelangan ng lisensiya para maikasal.  Sayang, dapat no’n pa lang nag-living together na kami para nakasama sa exemption.  Ang ganitong pagpapakasal ay tinatawag na ‘ratification by marital cohabitation’. May natira pa palang latak ng istak knowledge kahit papaano ‘yung pag-aaral ko ng abogasya no’ng nakaraang taon.    

Sa Muntinlupa na kami nag-apply ng lisensiya sa kasal.  May kasamang seminar pa ‘yun.  Eksaktong bagong sunog ang cityhall kaya dun kami malapit sa bangketa ng palengke kina-counselling.  Habang inihahanda kami ng mga marriage counsellors sa buhay may asawa, may sumisigaw ng ‘Kangkong! Kangkong kayo diyan.  Limang piso lang’.  Kala ko kangkang, papakyawin ko na sana. Haha. Pansin ko parang mga abnoy na frustrated comedians ‘yung mga marriage counsellors.  ‘Yung una isang government employee, anlakas manlait ng mga nagseseminar [nakatsinelas kasi ‘yung iba, tapos ‘yung iba buntis na]. ‘Yung pastor naman, nag-ooffer ng catering package.  Napaka-profound nga ng natutunan ko dun.  ‘Yung nars naman nagturo kung paano magsuot ng condom.  Watda. Ineexpek ko sana ‘yung medyo mahirap naman.  Halimbawa, tuturuan ‘yung mga babae pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata.  Mga ganun.

Pagkatapos nun, mga papers naman sa simbahan ang inasikaso namin ni BebeKo.  Tatlo ang magiging pari namin sa kasal.  Si Archbishop, si Fr. Rannie na dean ng San Beda college of law na isa din sa outstanding philosophers of the century at saka isang kamag-anak na pari.  Di ko na kinulit si BebeKo kung bakit kelangang tatlo, para di halatang engot ako sa religious churba churba.  Inisip ko, baka siguro mas malakas ang signal ng prayers pag tatlo ang pari.  ‘Wow!  Three bars, anlinaw nga’, baka mapatalon pa si San Pedro sa tuwa.  Nung pinuntahan namin si Archbishop para kuning pari sa kasal, medyo nakangiwi ako.  Baka kasi maalala nya ako at ‘yung kalokohan ko nung college.  Curious lang naman ako e.  Kasama si pareng Ice, tinanong ko si Archbishop ng, ‘Monsignor, nakakaramdam din ba kayo ng makamundong pagnanasa?  Anong ginagawa nyo pag ganun?’ [read:  Monsignor, pag nakakita kayo ng seksi, nagtitikol din ba kayo?] na sinagot naman ni Archbishop ng ‘Syempre naman.  Tao din kami’.  Pagkatapos nun, hindi na kami muling pinaapak sa Archbishop’s Palace. 

Pero mabait talaga si papa Jesus.  Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner.  Papa Jesus, I owe you much.  Pramis, magpapakabait nako.





Meet The Parents

27 11 2007

Maliban sa pagde-defense ng thesis saka pagsagot sa tanong na ‘kelan ba talaga masasapul ng asteroid ang mundo?’, isa pang nakakakabang experiens ‘yung pagharap sa magulang ng maylabs opyurlayp.  Para ka ring sumali sa isang talent show na kinakaliskisan ka ng  buhay ng panel of judges na simbangis ni Simon Cowell.  “Anong alam mo sa buhay?  Anong ipapakain mo sa anak ko, bato?”.  Hindi po.  Betlogs ko po.   

Muwi kami ni BebeKo sa probinsiya namin nung Linggo para hingin nga ang kamay ni BebeKo.  Kabado nga ako kasi baka seryosohin kamay lang talaga ang ibigay.  Hindi naman ako nabigo kasi may kasama namang legs saka katawan.  Haha. 

Buti na lang at wala tayo sa makalumang panahon na ang mga namamanhikan ay hinahanapan ng dote o ‘yung ari-arian tulad ng lupa, at bank account.  Pano na lang pala kung hinanapan ako ng account.  “Ahh, meron po akong limang prenster account, saka multiply account din po.  Meron din akong fixed asset, ‘yung ari ko po mismong nakadikit”.    Sabi noon ang babae, hindi nililigawan sa kalsada, kelangang sa bahay.  Kaso mo, di ka nga naman tanggap sa bahay kaya wala kang choice kundi ibalik sa kalsada ang pagmamahalan.  Alala ko tuloy nung nililigawan ko pa lang si BebeKo, magsasalubong kami nyan sa palengke na kala mo di magkakilala sabay palitan ng ‘lab notes’ na walang tingin tingin kala mo negosasyon ng Mafia na nagbibigay ng ransom note.  At nakasulat nga in bold letters gamit ang Estabilo Boss, “Mamyang gabi sa bodega, tabi ng basura, iwan mo ang isa pang lab notes o irog”.  Hay nakow, nakakatawang alalahanin ang nakaraan. 

Siyempre naman hindi makulay ang lab story kung walang kumokontra.  Ayaw talaga sa ‘kin ng Mama ni BebeKo.  “Anong gusto mo sa lalaking ‘yan playboy?  Itsura pa lang, adik yan, adik”, laging pa-discourage epeks ni Mama kay BebeKo.  Huwat ?  Ako adik ?  Tong itsurang ito ?  Hindi kaya ako marunong mag-marijuana. Shabu lang.  Haha !  Hinde.  Biro lang.  Hindi talaga.  [hitit hitit buga] Sobrang relihiyosa din ang Mama ni BebeKo.  Nung nanliligaw pa lang ako at nakakatuntong na sa bahay nila, palaging nakabantay sa min, kala mo anytime bigla akong tubuan ng sungay kaya nakahandang buhusan ako ng holy water.  Mama, water proof na kaya ang mga cute debils ngayon.  Di ka kasi nanonood ng Youtube. 

Makapal na din mukha ko ngayon.  Dati kasi tito saka tita lang ang tawag ko, ngayon nakiki-Mama saka Daddy na rin ako.  Nung nanliligaw pa lang kala mo di makabasag pinggan na nakaupo sa kasuluk-sulukan ng sala, ngayon pakalat-kalat na ako sa kanilang bahay na naka-shorts na lang at nakasampa pa ung paa kong amoy dedbol na isda sa rocking chair habang pumipindot-pindot ng channel sa remote.  Haha, ang kulay kalabaw, pinturahan mo man, lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay [salawikain ba ‘yun ?  Parang ang tunog gawa gawa ko lang ah]. 

Siyempre por dat time being, hiwalay muna kami ng tulugan ni BebeKo.  Di pa alam nina Mama at Daddy na ‘living together’ mode na nga kami ni BebeKo dito sa Maynila.  Unless one day, bigla siyang mangalikot ng internet at mabasa ‘tong blog na to.  Salamat, buti na lang mabait ang diyos at inimbento ang tinatawag na ‘generation gap’.





Pickup Lines

19 11 2007

Sabi ng mga barkada kong pabling, epektib talaga ang pick up lines.  ‘Yung tipong dadaan ka sa isang bar, may hot chick na umoorder ng tequila sabay singit ka ng, “Miss, mabilis ka siguro sa puzzle no?  Kasi kasisimula pa lang ng araw ko, nabuo mo na agad”.  Sabay pakita ng killer dimple at ngiting pusa.  Oo, parang pusang gustong makipaglambutsingan sa bubong magdamagan.  Ngyawwrrr! Kelangan lang daw ng konting tapang ng dibdib sabay swabeng confidence, tiyak  90% accuracy na mapapangiti ang chick.  Heto pa ang ibang pick up lines na pinagyayabang ng mga kabarkada ko: 

  • Miss, hindi ka pa ba napapagod?  Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko. 

  • Mahilig ka ba sa crayola?  Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko. 

  • Exam ka ba? Gusto na kasi kitang i-take home! 

  • Me lisensya ka ba? Coz you’re driving me crazy. 

  • Naniniwala ka ba sa love at first sight? O gusto mong dumaan ulit ako? 

Iniisip ko lang bakit kelangan pa-cute ang mga pick up lines.  Ang alam ko, ang gusto ng ibang babae, ‘yung may pagka-maginoong medyo brutal.  Dapat ganito: 

  • Hey, para ka namang kulangot, you’re playing hard to get. 

  • Peyborit fud mo ba ang Alpo?  You’re bitchier than my dog. 

  • Para kang kuto,  I can’t get you out of my head. 

Pero ako, hindi ako naniniwala sa mga pick up lines.   Hindi ko naman nadaan si BebeKo sa mga pakyut-cute na ganyan.  Nilaro-laro ko lang  ‘yung pendulum sa harap ni BebeKo sabay sabing ‘Repit apter me…’  “Ampogi ni Badoodles…  Kamuka siya ni George Clooney…”  Mga 100 times siguro na pinaulit-ulit ko sa BebeKo ‘yun sabay suklob sa kanya ng helmet.  Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang kamuka ko nga si George Clooney.  Oo, kung minsan si Tom Cruise naman.  Tsk tsk, nakakabulag talaga ang pag-ibig. 

Wala lang.  Huling pagbabalik tanaw sa pagkabinata.  Ang pagbabalik tanaw na ito ay hatid sa inyo ng Rhea Rubbing Alcohol – di lang pampamilya pang isports pa.





Conversations with God II

30 10 2007

Dear Papa Jesus, Di man obvious, pero in my insyd [balun-balunan, pati atay] excited na nga ako sa nalalapit kong church wedding kay BebeKo.  Kung sakali, ito pa lang ‘yung unang beses na parang hindi nasisilihan ang pwet ko pag-upo sa pewter.   Sori po kung gawain ko nung college ang tumakas sa first Friday mass pagkatapos magpacheck ng attendance kay Chaplain.  Mali kasi ‘yung reinforcement strategy ng mga religious schools.  Ang tendency ng mga bata ay magmatigas ng ulo.  Dapat reverse psychology na lang.  “Bawal pumasok sa simbahan, ang papasok, pipitikin ang titi hanggang mamaga”.  Sarap.  Saka paniwala ko kasi, malulusaw ako pag nabasa ako ng Holy Water.  Panay nga ilag ko eh na parang si Neo ng The Matrix.  Pero kahit pala may pagka-Gremlins ugali ko, hindi naman totoo ‘yun.   

Saka Papa Jesus, salamat nga pala at di mo ako binulag sa kajajakol ko.  Lam u na, raging testosterone boy at his sexual prime.  Ebri hour yata, pekpek lang talaga ang nasa isip ko lalo pa’t hot chic ‘yung titser kong galing UP nung pers year ko.  Grade A meaty packing sheet.  Sori po, expression lang.  Pero totoo po bang napamura kayo minsang may nahuli kayong nagsusugal sa bahay ng daddy mo?  Kung ako ‘yun, hahagisan ko sila ng labentador saka sinturon ni Hudas. 

Kahapon napadaan ako sa isang christian bookstore.  Narinig yata kitang bumulong ng “Welcome anak, matagal na kitang hinihintay” kaya tumambay muna ako.  Na-browse over ko ‘yung libro ni Helen Keller – ‘yung inspirational writer na nabulag pagkabata.  Siya pala ‘yung nagsabi ng “The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched.  They must be felt within the heart”.  Galing, nakaka-inspire talaga.  Pwede din po ba akong maging inspirasyon sa iba ng hindi nabubulag?  Pansin ko kasi ‘yung mga nagiging sikat na inspirational writer kung hindi bulag ay quadriplegic na nagpi-paint gamit ang crayola sa bibig.  Pero ikaw po, kung anuman ang balak mo sa ‘kin, sabi nga, thy will be done.  Kung gusto mo nga akong gawing mala-ET na uutal-utal, owkey lang.  Bahala na ang sangkatauhan na mag-translate kung anuman ang message mo.  “Kwek… kow… kwek-kwek”.  Hehe.  Hindi pala ganun.  Si Donald Duck pala ‘yun.  Okay lang ‘yung tunog ET para hindi obvious pag napapausal ako ng “Ngat nget mo” sa mga ayaw maligo.  Although ‘yung isang ngongo nagkakaintindihan kami.  “Ngat nget mo rin”, sabi sakin.  Hehe. 

Paynali nga, magiging legal na ang pagsasama namin ni BebeKo in the eyes of law and in yours.  Pina-block na namin ‘yung schedule sa simbahan.  Nagpalagay din kami ng choir for additional charge of 500 pesos.  Pede kayang mag-request ng song number dun na pamperya para mas masaya.  Joke onli. Kitakits po.





My Wife Never Farts

28 08 2007

Ladies will always be ladies.  Meron silang mga bagay na ginagawa na pasikreto.  Pa-girl sabi nga.  Nakita ko na maglinis ng tutuli si BebeKo, maglagay ng epek-epeks sa mukha saka matulog ng labas ’yung puti ng mata pero ni minsan di ko pa siya narinig na umutot.  Kung minsan naku-curious tuloy ako kung umuutot din ba ang babae at kung umuutot man, tunog ‘ka-blob’ din ba o pa-tweetums na parang nagbebenta ng pandesal sa umaga, ‘yung ‘put-put’.   

Mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong ni BebeKo.  Nakita na niya ang mala-kalabaw kong pwet sa itim, mala-gubat na pubic hair saka narinig ang paghilik kong kala mo umaatungal na butanding.  Ganun talaga sa boys, wala na ’yung best foot forward tulad nung nanliligaw pa lang na pa-cute epeks.  Lumalabas din ang tunay na kulay pero ’yung dating pagiging makulit andun pa din.  Kung noong nanliligaw pa lang e talagang ‘gwaporms’ kala mo James Bond wannabe, ngayon nakikita na lang ako ni BebeKo na paikot-ikot ng bahay butt-naked kala mo nakawalang anak ni King Kong.  Binibilisan ko na nga lang ’yung pagtakbo para di masagwa kasi kung pa slow-mo e nakow, mapapamura ka ng ’watdapacka is wrong with you?’. 

Inisip ko na baka ’pag umutot ako in her presence, mawawala ’yung inhibitions niya at maririnig ko na din siya na bigla na lang uutot.  Ang babae kasi palaging conscious na baka turn off ang kanilang ginagawa kahit gusto pa nating makita ‘yung totoong sila.  At ginawa ko ngang ‘magpahangin’ habang nanonood si BebeKo ng paborito niyang soap opera.  Hehe, ayun, sinapak ako ng remote. 

Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog, kamote, lumang peanut butter at iba pang pampautot in the hope na magkalat din siya sa harapan ko pero she always finds ways na makaiwas na maamoy ko ang ’galit ng kalikasan’.  Iniisip ko nga minsan na baka nga galing talaga sa ibang planeta si BebeKo at nautusan ng kanilang pinuno na hanapin si George Clooney para magpadami ng lahi.  Kaso naligaw sa Pinas, kala niya siguro si George Clooney ‘yung may brown kinky hair sa goatee.  Hehe, sinuutan ko na siya ng helmet at di ko na nga pinakawalan. 

Hindi ko na nga siguro maririnig umutot si BebeKo.  Sa isang banda, nakikita ko ’yung best effort niya na palaging ’hot chick’ sa aking paningin.  ‘Pag sinusundo ko nga lang sa opis nila ‘pag gabi,  naaaninag ko pa lang siya sa malayo, tigas na tigas na ako.  Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako.  And it will always feel like our first dates forever. 





The Penis Monologue

16 07 2007

Women have sixth sense.  Lakas ng pang-amoy kung nagsisinungaling ka o hindi.  Early in my relationship, I can’t lie to MyBebe.  As a psychologist, she knows.  She said that generally, a right-handed man is lying when he keeps on glancing sideways to his left while explaining.  And so with a left-handed man who keeps on glancing sideways to his right.  That’s science.  But even after mastering the art of not glancing to my left (I’m right handed), she still knows.  I don’t know if it’s gut feeling or that clitoris has extra sensor that measures wavelength sort of a polygraph test. 

“Ano na naman ‘yang ginagawa mo sa banyo?”. 

“I’m taking a leak..” [shouts] 

“No you’re not.  I know what you’re doing. Nagjajakol ka na naman.” 

Packing sheet.  Why do I get cornered always?  I’ve been in a relationship for quite some time and have moved in to BebeKo’s apartment just last year.  Moving in means getting rid of my boyhood attachments to watching discovery channel (aka that channel 101 in wee hours of the morning that showcases human copulation), and ditching my reading materials on the field of human exploratory behavior (read: FHM).  MyBebe caught me reading porn once and I explained I just borrowed it from an MMDA guy standing along Ayala Av [one in a million chance but still is true].  She gave me that smoldering look I just wished the ground  opened up and swallowed me whole.   

May mga chances na kahit wala kang ginagawa, ikaw pa din ang may kasalanan.   

“What have I done?” 

“I saw you with another girl.” [sobbing] 

“Where?” 

“In my dreams.  And she’s only wearing white panty and bra and she’s cuddling you…” 

What da.  How do you defend yourself in that situation?  What would I say?  “Ah, I’m sorry?  I won’t do it in your dreams again.  Wag na u magalit, pleaze.”  Instead, I just said:  “Maybe it’s you.” 

“Nooo!  I don’t have a white bra.” 

Sigh.  Women. They’d pick you up for a fight just for the heck of, well… picking up a fight.  I tell you, they are bullies by nature.  And I don’t know why, but we love them even more… 🙂