Sitting Beside Poverty

12 11 2007

Pag buhay Maynila patibayan ng sikmura.  Ang mahina ang diskarte nahoholdap.  Mula nang maholdap ako sa aircon bus, sirang plakang advice sakin ng mga kumpare ko, mag-ordinary bus na lang.  At least dun small time holdaper lang.  Pag aircon sakyan mo mga de-granada saka de calibre 45 ‘yung itututok sa ‘yo.  Pag ordinary bus naman, kutsarang pinatalim lang o bolpen na nagtatae ang malamang itutusok sa tagiliran mo.  Okay na ‘yun.  Kaso pag tinira naman ako ng holdaper ng bolpen Flash News agad – isang lalaki tinira ng bolpen na nagtatae sa kili-kili kritikal ang kondisyon ngayon sa ospital.  At pag natuluyan pa, ano na lang sasabihin ko kay San Pedro sa kanyang Records book ng cause of death.  Death by crying bolpen?  Nakakahiya kaya ‘yun, permanent record ko na sa langit ‘yun.  Sobrang tangengot ko naman pag nangyari sakin ‘yun.  Pero dahil nga masunurin din akong kaibigan, nag-oordinary bus na nga ako pag-uwi. 

Mahirap sumakay sa ordinary bus, most lykly ang makakatabi mo kung hindi taong grasa e hitit-rugby boys.  Ang hilig ko pa namang makipagkwentuhan with a total stranger para di mapanis ang laway.  Ang hirap kausap pag rugby boys.  Kung kwentuhang Marimar kaya ko pang sabayan pero pag dumating na sa puntong “Pare, ano kaya itsura ni God?” o kaya analysis tungkol sa totnakan ng mga asong kalye sa gabi, nagsa-shutdown bigla ang brain cells ko diyan.  Sa unang tanong, ang alam ko lang, malayong magkamukha si God saka Cristina Aguilera.  Dun sa pangalawa, matagal ka nang diyeta malamang nang-iinggit ang mga asong kalyeng ‘yun.  “Awooo!  Di ka ba naiinggit?  Ha?  Awoooh… dog-style to men”.   

Nasa bandang Alabang na nang may sumakay na tatlong dalaginding na gusgusin.  Tantiya ko nasa edad katorse hanggang disi-sais – ‘yung dalawa buntis, ‘yung isa bungal kamuka ni Chitaeh.  Malamang pag babae ka tapos kamuka mo si Chitaeh di ka talaga mabubuntis kahit pa mga lasenggong duling na manyakis makakita sa ‘yo.  Maingay kaya halatang durog ‘yung dalawa.  Tumabi sa ‘kin si bungal, maingay habang kumakanta ng ‘To da lep, To da lep” ni Beyonce sabay iling iling ng ulo.  Putek, baka maglalaglagan ang mga kuto.  Kung mamalasin ka naman.  Mamya nahiya yata kaya bumalik sa tabi ng mga kasama na nakasalampak sa gilid ng pintuan ng bus.     “Tangena, hwag ka nga sakin tumabi ambaho mo”, saway nung medyo nakakatanda sa grupo.  “Ikaw kaya amoy tae.  Hahaha!”.  Sa kabila ng kahirapan, may sense of humor pa din.  ‘Yung isa may hiya, “Tumahimik nga kayo mga abnormalayts kayo, baka pagkamalan tayong magnanakaw”.  Parang bumilib tuloy ako dun sa isa. 

Panay singhot ni bungal sa plastik na hawak.  Gutom na siguro.  Sinaway ng isa, “Ampotah, wag ka nga dito mag-rugby”.  Pasimple kong inabot ‘yung isangdaang piso dun sa sumaway kanina saka pabulong na sabi,  “Pangkain mga kids”.  Pamasahe ko pa sana ‘yun bukas.  Utang na lang ulit ako kay BebeKo.  Nakita agad ni bungal kaya tumabi ulit sa ‘kin, “Baket siya lang kuya, ako din”, lango ang mata habang dinudutdot ang braso kong malaki [talagang siningit pang sabihing malaki].  “O teka andumi mo baka kumapit sa polo ko, hirap kayang labhan yan”.  Inabot ko ang singkwenta pesos.  Putek talaga, nakikilan pa ako.  Daig pa nito ang MMDA boys.  

“Ambait mo naman kuya.  Lam mo kuya, kamuka mo ‘yung ex-boypren ko”.   Ngiti lang ako.  “Basurero ‘yun”.  Toink.    Langya, mukang basurero pala ako.  May future sa comedy ‘tong batang ‘to.  Ako si Dolphy tapos siya naman ‘yung side kick na pinapalo sa ulo ng diyaryong nakarolyo.  Gusto ko ngang sampolan kaso wala akong dalang martilyo.   

Pero ang totoo, sobrang apekted ako kasi mga murang edad pa lang sila, alam mong wala nang direksiyon ang buhay.  Bad trip ako pero di ko alam kung sinong dapat sisihin kung bakit may ganitong mga taong napapabayaan.  Gusto ko ngang suntukin ‘yung bintana ng bus sa di maipaliwanag na galit kaso napag-isip isip ko masakit din ‘yun. Wag na lang. 





Shit Happens

22 10 2007

May mga araw talaga na parang juma-jackpot ka ng kamalasan.  It happens.  Ganyan talaga mambatok si Papa Jesus, biglaan.  Pakiramdam ko sinabihan niya ako ng “Hoy! Kaw naman, nakakalimot ka na ah”.  Ewan ko ba.  Wa epeks ‘yung prayers ko na gawin na lang na installment ang kanyang mga pagsubok tsurba sa akin.  Papa Jesus, credit card na saka bumbay na papayb-six ang uso ngayon.  Pakiramdam ko nga parang buminggo ako sa ‘series of unfortunate events’ dis week.  Nag-obernayt inuman kami nina pareng Nap nung Huwebes kasi may dalang ‘abalin’ na pulutan sina pareng Ryan.  ‘Abalin’ ang tawag  sa larvae stage ng salagubang na sinasangag hanggang magkulay brown – exotic food naming mga Ilocano.  Nakalimutan kong may allergy nga pala ako dun pag sinabayan ng Red Horse.  Madaling araw nang magising akong kamot ng kamot.  Pagpasok ng opis kinaumagahan, hindi lang betlogs ko ang pulang-pula.  Umalsa din pati paa, kamay saka mukha ko, para akong naging kuya ni Jollibee.   

Mabilis namang naagapan kasi dinala ako sa clinic.  Binigyan ng pers ayd saka prescription ni doktora ng sandamakmak na Loratadine ‘yung mukang birth control pills.  Tinatanong nya kung ano ‘yung pinagkakain ko kaso di niya maintindihan kaya sinabi ko na lang na hipon.  Nagpayo si doktora na ‘wag daw muna akong magkakain ng malansa.  Putek, buti ‘yun lang ‘yung malansang bawal sa ‘kin.  Iniisip ko tuloy pano na lang kung may mas malas pa sa ‘kin na magkaroon naman ng allergy dahil sa pekpek.  ‘Pag tinanong ng  “Pucha pare bakit maga ‘yang nguso mo?”.  Pailing-iling na sagot “Allergic kasi ako sa pekpek pare”.  Tsk. Tsk.   

Dahil nga biyernes, tipikal na lunch out naming opismeyts magbabarkada sa Glorietta, walking distance lang naman sa Stock Exchange.  Paborito na namin ‘yung ‘Lechon Macau’ sa Food Choices, sa may second level lang – lechon baboy na may giant kangkong toppings with garlic rice.  Solb na naman.  Di pa ko nakakadighay nang parang may higanteng umutot.  Anlakas.  Nabulabog ang mga kopols na kanina lang ay binibilang namin kung ilan ang mga nagho-holding hands while walking.  Takbuhan ang mga tao.  State of terror.  Binalot ng higanteng abo ang Glorietta.  Zero visibility.  Takbuhan na rin kami.  Ang madapa tanga.  Nagbagsakan ang mga pintuan.  Di kami makalabas pero takbo pa rin.  Hanap ng ibang daanan.  Sa wakas bukas ang papuntang LandMark.  Seyb.  Parang isang prank lang ang lahat.  Wala akong kamalay-malay na isang balitang pambansa ang nangyayari.  Naging malinaw lang kung gaano kaseryoso nung nasa opis na kami at pinapanood ang flash news sa Kapuso tv.  Buti na lang at buhay ako.  Lalo tuloy akong naniniwalang masamang damo nga talaga ako. 

May isang computer programmer na namatay.  Nakakabadtrip lang kasi bakit kaming mga matinong nagtatrabaho,  mga walang sinasagasaang ibang tao ang kailangang madamay sa kung anong ginawa ng mga bwakananginang mga yan.  Pwede ba kong manisi ng iba? Di ko alam.  Gusto ko lang sumigaw, magpakyu, at magmura.  Dahil pagkatapos ng ‘shit happens’ na ganito, kelangan ituloy ang buhay.  Get up from the rubbles, clean your wounds, learn from the lessons and move on. 





Devils Exist, Whether You Believe Or Not

3 05 2007

Naholdap ako today.  Madapacking sheet, the thing my barkada and I have been trying to avoid just happened.  I was on an aircon bus en route Makati via SLEX.  Di ko pa pinansin nung sumigaw si Manong Holdaper ng ‘Huldap etu’, serious pala.  ’Kala ko alagad lang ni Brader Mike Velarde o kelangan ng love offering. Tatlo silang lahat, ’yung dalawa naka-hand grenade saka ’yung mukhang kupal na lider may caliber 45.  Nakuha ’yung Nokia cellphone ko.  Patay, andami ko pa namang butt-naked photos saka different angle shots ng etits ko dun baka i-post sa internet ng mga gago.  Nakipag-negotiate pa ako kung pwede kunin ’yung sim saka memory card, inangasan pa ako.  Tanginix talaga. 

This is the time when you do nothing but close your eyes.  Trains of thought came rushing in.  ‘Yung pagiging kupal ko during college…  Kung bakit pumunta punta pa ko dito sa Manila… Si BebeKo… ‘Yung church wedding ko sa December 8, pano na…  Nilapitan ulit ako ni Hand Grenade Boy, pinapalabas lahat ng gamit ko.  Tinutok ’yung baril.  Sabi ko wala na.  Natira na lang ’yung packed lunch kong ginataang tilapia.  Kung gusto nilang bitbitin okay lang.  Kunyari ko lang ‘yun pero ‘yung wallet ko naitabi ko sa ilalim ng passengers’ seat.  Convinced naman si gago.  Saka sabi din ni Kumander Holdaper, okay na, naibigay ko na daw lahat sa kanya, ambilis ko nga daw magbigay parang taga air force.  Di ko tuloy alam kung matutuwa ako sa compliment ni gago.   

The experience was dizzying.  Hyperventilate ako (sakit ’yun ng mga rich-looking saka maporma), nagsuka ako sa bus.  The breakfast noodles MayBebeKo prepared for me came shooting out of my nose.  Sayang, imported pa naman brand.  Thoughtful din naman ang mga gagong holdaper kasi sabi dun sa chik na katabi ko tulungan daw ako mahimasmasan.  Naisip ko kung sinukahan ko na lang kaya ‘yung mga holdaper, baka sakaling mandiri saka magtatatakbo.  (Kung anu-ano naiisip ko).   

Point to point na pala ang uso ngayon sa holdapan.  Kung dati dun sa Holdap Highway lang – from SM Fairview to Bagong Silang which is the north side, ngayon mula biyaheng Laguna going SM Makati ang puntirya ng mga holdapers.  Sa may parteng Guadalupe na bumaba ang tatlo.  Di nga nakapalag ‘yung dalawang pasaherong pulis.  ’Yung isa pinosasan, tapos ’yung kalbo nakuha ’yung dalawang baril.  Okay na din ’yun, baka kasi mas may nadamay pa kung pumorma sila.  Otherwise, I am six feet below the ground by now.  And all my years of sacrifices gone to waste.  

The bus proceeded to Camp Crame in Quezon City after the incident.  The incident has to be reported.  Just another case to be added to the increasing crime index statistics of Manila.