Body Smell

12 06 2010

Bago ako umalis ng Pinas, pinabaunan ako ni misis ng sando niya na pinagbihisan. Pamahiin na nating mga Pinoy ‘yun para hindi mo ma-miss ang mahal mo. Sabi ko wag na lang sando, kahit panty niya na lang. Kinumbinsi ko pa na ‘Pwede ko lang ibulsa ‘yung panty mo at dala-dala ko kahit magpunta ako sa mall’. Ayaw daw ,‘so dyahe’. Para panty lang. Di naman ako mag-iiskandalo na ilalabas ko sa bulsa ko ‘yun saka sisinghutin sa publikong lugar. Syempre pasimple lang.

Sa huli, ‘yung sando na lang niya ang dinala ko. Sabagay baka maamoy ng sniffing dogs sa airport ‘yung panty niya, akalain amoy marijuana, ma-deport pa ako.

Pero may mga amoy na hindi natin gusto. Tulad ng putok at bumbay. Sige na nga, putok na lang kasi synonym naman ang putok at bumbay. Ang akala ko talaga, hindi mabantot ang bumbay dito sa Melbourne. Maling akala. Nung mga unang linggo ko dito, magaling lang pala talagang mag-ipit ng kili-kili ang mga ‘mapagkunwari’ para di naman ako ma-culture shock at sumigaw ng ‘Tangina pre ano ‘yun? Naamoy nyo yun?’.

‘Yung sumakay ka nga lang ng elevator na may katabi kang bumbay, parusa na. Pano pa ‘yung ikulong ka sa opisina na kalahati ng mga kasama mo bumbay? Para kang nasa tiyangge ng daing araw-araw. Nakakahilo ang amoy. Para na nga akong buntis nito. Araw araw akong tumatakbo sa lababo at naduduwal. Gusto ko na ngang mag-file ng reklamo sa may-ari ng kumpanya at humingi ng danyos perwisyo dahil ‘occupational hazard’ ang amoy. Pero naalala ko, bumbay nga din pala ang nakabili ng kumpanya namin. Fuck my life.

Nagtataka lang ako, hindi ba napapansin ng mga bumbay na mabaho sila. Na pag pumunta sila sa isang lugar, ‘Shyet may nakaapak ba ng tae?’. At kahit lumipat pa sila ulit ng lugar, ‘O andito na naman ‘yung amoy. Bakit kaya lagi akong sinusundan nung amoy na ‘yun?’. O baka nga naman, hindi ka nga ‘in’ bilang bumbay pag di ka na amoy expired na car freshener. Itatakwil ka na ng iyong mga kalahi oras na magpahid ka ng Rexona sa ‘yong kili-kili. ‘Lapastangan! Binabawi ko ang iyong mana at habang buhay kang uutang sa 5-6 tulad ng mga Pinoy na ‘yan’.

Pansin ko lang, may kanya-kanyang distinct na amoy ang bawat lahi. Depende ‘yun kung ano ang palaging kinakain ng lahi mo. Gaya sa opisina namin. ‘Yung bosing naming New Zealander, amoy binurong gatas [keso]. ‘Yung mga intsik sa network team amoy salabat. Pero ‘yung mga Taiwanese sa accounting office, amoy ihi ng babae [semi-mapanghi]. [Baka umiinom sila ng ihi ng babae, teorya ko lang naman,]. At ‘yung mga bumbay amoy pinaghalu-halong amoy ng curry, sibuyas, at pekpek ng prostitute [Di pako nakaamoy, ulit teorya ko lang]. At kaming mga Pinoy dito, syempre amoy ah, eh, pinipig. Booo. Pero totoo naman ‘yun, tayo na yatang mga Pinoy ang isa sa mababango sa mundo dahil wala namang amoy ang kanin saka araw araw pa tayong maligo.

At dahil last paragraph ko na ‘to dahil magba-basketball pa ‘ko, etong question of the day natin. Mag-iwan ng iyong pinaka-gago, henyo, o kahit anong sagot sa tanong na: Anong amoy mo ngayon?

Piktyur 1] Ang almusal ni badoodles. Ayan para pare-pareho na kaming amoy daing.

Twitter Update: Talo na naman kami sa basketbol. Pinag-iisipan kong magpakamatay. Sisinghutin ko ang amoy ng opismeyt kong bumbay.

Advertisements




Back for Good

13 04 2010

Sobrang tagal kong nag-hiatus. Mali. Pang-elite blogger ang salitang hiatus. Dun lang ako sa tipong ‘Magpahinga ka muna Badoods, mainit ka na sa mga parak’ [pang-kriminal?]. Wan enehap years. Shyet akalain mo ‘yun. At kung di pa aksidenteng napasama ‘yung e-mail sakin na mag-eexpire na pala ang domain name ng kwentongbarbero.com na napadpad dun sa ‘Everything Porn’ inbox folder ko, malamang di ko pa maaalalang mag-betlog blog.

Sori na.. It’s not you, it’s me.. Sobrang busy lang. Trabahong hayup ako ng nakaraang taon. Dalawang full time na trabaho pag weekdays. Basketbol sa Sabado at sex slave naman pag Linggo.

Nakapag-ipon naman ako ng maraming coins sa pagta-trabaho para magkaroon ng munting sakahan, prutasan, saka munting bahay at lupa. Hindi ‘yung account sa Facebook, iba ‘yun. Totoong bahay at lupa ‘to pero syempre munti lang.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





The Art of Being Funny

4 11 2008

 

Ang hirap sa opisina, ‘pag sinabing nakakatawa ka, akala lagi kang nagpapatawa.  Wala na ba akong karapatang maglupasay sa semento ng walang tumatawa? Makulit naman ako kung makulit.  Pasasakitin ko ang panga mo hangga’t gusto mo.  Wag mo lang akong kinakalantari ng wala sa oras lalo pa’t matagal-tagal pa ang susunod na sweldo. 

 

Lumapit sa ‘kin si bisor kanina na taga ibang departamento na hindi ko bisor.  Ang sabi, ‘Hoy komedyante ka daw.  Sige nga, patawanin mo ako’ sabay kalabit sakin. Jackass mode ako lately kaya nasagot ko ng,  ‘Hoy pangit ka daw.  Sige nga, takutin mo ako.’  Tulala si bisor. Nakabuka ang bunganga pero walang maisip na sasabihin.  Malamang hindi ito nagkape kaya hindi listo ang utak.  Hindi inaasahang ang isang tulad ko ang sisira sa sana’y maaliwalas niyang umaga.  Una hindi ako pokpok  na ‘pag gusto mong lumigaya ay pipinggerin mo lang sa cubicle ko ng bonggang bongga at liligaya ka na.  At pangalawa hindi ko siya bisor kaya naman mayabang ako. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Humor Gone Mad

8 10 2008

Napanood ko sa balita ‘yung tungkol sa ginawang butt of joke ng BBC sitcom na ‘Harry and Paul’ ang pagiging Pinay domestic helper.  Foul ‘yun.  Sobrang nalungkot ako dun sa balita gusto kong kumanta ng ubod lakas na April Boys song kaninang umaga sa opisina.  ‘Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw!  Pati ang isip at damdamin ay humihi-yawwwwww..’  Demmet dat Brits.

 

Pagkatapos nung nangyaring racial slur sa ‘Desperate Housewives’ sa US, heto na naman ‘tong Harry and Paul.  Sinasabi ng iba na baka pikon lang talaga tayong mga Pinoy.  Kung sino mang tipaklong ang nagconvince sa ‘yo nyan,  siyatap u.  Ako pikon?%$# Neber.  Dyan ka lang sa kinauupuan mo tanginiks ka, wag kang gagalaw, kukunin ko lang laptop ko, isasaksak ko sa tumbong mo.  Narinig ko na ‘yang mga ganyang comment sa radyo, tv, saka nabasa sa balot ng tinapa kaya ‘wag nang inuulit.  Hindi naman kasi simpleng kaso lang ng ‘pikon-talo’ ‘yun.  Unang lesson:  Humor is deeply cultural.  May mga nakakatawa sa isang lugar, na insulto naman pagdating sa iba.  Dito pumapasok ‘yung hinihinging kaunting sensibilities sa pagbibitaw ng birong pwedeng pagmulan ng World War III. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Wishful Thinking

17 09 2008

May pagkadilang anghel talaga ‘tong si Maru.  Alaala ko pa nung isang taon ang sabi niya pwedeng pwede akong magsulat sa babasahin.  Ngayon nga, naimbitahan ako ni ed Alex ng Psicom Publishing na magsulat para sa unang labas ng kanilang Nosebleed humor Magazine. Ibang klase ka Maru.  Delikado yang ganyang dila, nagkakatotoo ang sinasabi.  Buti naman at hindi ka napapamura sakin pag natutuwa ka: ‘Puke ka talaga Badoodles, Puke Ka!’, malamang isa na akong walking pekpek ngayon.   

Itong Nosebleed Magazine ang  sinasabing kauna-unahang interactive humor magasin ng Pinas.   Di ko alam kung pano naging interactive, baka pag binuklat mo may lalabas na diwatang walo ang nipol at sasayawan ka ng ‘Igiling Mo’ ni Willie Revillame.  Pumunta ako nung ‘soft launch’ ng magasin sa SMX.  Sa mga pumunta, kung may nakita kayong nakasando ng puti, mas makapal ang buhok sa kanang kilikili kaysa sa kaliwa at may paekis na band-aid sa utong, oo ako ‘yun.  Kung di tayo nagkita, sayang, hindi pa panahon na magkrus ang landas natin. 

 

Tingin ko unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko sa buhay.  Nung nakaraang buwan sinama naman ako ng BebeKo sa Luneta Park.  Oo, kanya kanyang trip ‘to sa buhay, walang pakialaman.  Pers taym kong makapunta sa Luneta Park.  Matagal ko nang gustong  pumunta dito pero laging busy sa trabaho.  Gusto ko kasing makakita ng mga taong grasa na nagho-holding hands while walking sa publikong lugar, mga taong salat sa pera pero puno ng pagmamahal at kalibugan para sa isa’t isa.  

 

At dahil matino ang buhos ng grasya sa akin ngayong taong ito, gusto kong maging mabait sa mga taong nakakasalamuha ko.  Sakay na ako ng jeep papuntang Makati nang may humabol na sumakay na babaeng basang basa ang katawan.  Di ko alam kung basang pawis, basa dahil kaliligo lang o basang kagagaling sa pakikipagtalik at nahuli ng kanyang tunay na asawa kaya tumalon sa ikalawang palapag ng condominium nila at tumakas at ngayon nga ay pasakay ng jeep.  Lahat nakatingin sa tsik.  Naalala ko ‘yung homily ng pari nung nakaraang Linggo.  Ang sabi, ‘pag nabigyan ka ng pagkakataong tumulong, wag magdalawang isip, tumulong ka’.  Kaya pasimple kong tinanggal ang tissue paper ng baon kong egg sandwich at iniabot sa kanya.  ‘Miss, pamunas’.  Inabot ng tsik ang tissue at pinangpunas sa basang katawan.  Nangamoy itlog at mayonnaise sa loob ng dyip.   Sa ganitong pagkakataon, napapaisip tuloy ako kung pano ako huhusgahan ng Diyos sa ginawa ko. 

 

Pagdating sa opis, wala akong ginawa kundi magkape at mangarap ng gising.  Heto pa ang mga simpleng kahilingan na naglalaro sa isip ko ngayon:

 

  1. Sana laging healthy ang Mommy ko.  Matanda na kasi kaya ‘yung kalusugan nya ang inaalala ko.  Nagpaparinig nga sa kin, sabi, ‘Anak umuuga na ang pustiso ko’.  Dahil malayo pa ang sweldo, sinabi ko na lang na, ‘Guni-guni mo lang ‘yan Ma.  Normal lang ‘yan.  Masyado mo lang nararamdaman ang pag-ikot ng mundo. The earth revolves around da sun, ya know.’        

  2. Sana maayos ang pagtrato ng mga anghel sa tatay ko sa langit.  Mainipin pa naman ‘yun.  Mamya biglang bumaba ‘yun dito sa lupa at kulitin ako kung ano na ang itsura ni Tetchie Agbayani.  Mainis ako baka i-arm lock ko pa siya.  [Tatay, ina-arm lock lang? Hehe]      

  3. Sana matutong magdeodorant ‘yung mga bumbay na kasabayan kong mag-gym.  Kasarapan akong magbuhat ng bloke-blokeng bakal tapos biglang dadaan sa harap ko.  ‘Yung amoy, ibang klase, talagang gumuguhit sa lalamunan ko.  What the fuck fuck fuck.     

  4. Sana kumapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili tulad nung sa kanang kili-kili.  Kasalukuyang bilang ko nasa sampung hibla pa lang sa kaliwa sila laban sa mahigit tatlong daan sa kanan.  May sumusulpot na pang-labing isang buhok, kinakausap ko nga na parang halaman baka sakaling humaba at yumabong.       

  5. Gusto kong regaluhan ng tsiks ‘yung ninong kong nagpakatandang binata na dahil tinakasan ng kanyang kasintahan nung araw ng kasal nila.  Inaalala ko baka pag hindi ‘yun nakatikim ng pekpek magbago ang kanyang ‘preference’.              

  6. Sana magcut down sa presyo ng kape ang mga may-ari ng Starbucks.  Hindi ko nga maisip kung nakakatulog sila ng mahimbing sa presyo ng kanilang kape.       

  7. Sana makapunta ako sa susunod na WordCamp.  Hindi ako nakapunta nung nakaraan matapos ang ilang ulit kong pangungulit mabigyan ng ‘camper pass’ ng mga organizers.  Mainit ang pakiramdam ni BebeKo nung araw na ‘yun kaya hindi ako natuloy.  Nasa tabi lang niya ako at naghihintay na sabihin niya saking, ‘Badoodles, am I too hot for you?’.  Oye oye.  Hehe.   Oo antaas ng lagnat mo BebeKo.              

  8. Ikaw, anong mga pinagpapantasyahan at kahilingan mo?

  

Parapol Update:  Congrats sa nanalo sa electronic parapol ng isang ‘humor tshirt’.  Paki-email lang sakin ang iyong size, gustong tshirt design mula sa  The TShirt Project dito sa badoodles [at] rocketmail [dot] com.

Parapol Update2:  Magbibigay ang Psicom Publishing [sabi ni Ed Alex Cruz] ng tatlong Nosebleed Magazine [eckshuli apat, ninenok ko ung isa].  Demmet, sige na nga apat na magazine na ipaparapol ko.  Simple lang mechanics, punta kayo dito sa Nosebleed Forum, magsignup, tapos balik kayo dito sa kwentongbarbero.com at iwan sa commentbox ang inyong username nung nagsignup kayo sa Nosebleed Forum.  Ibeberipika ko kung nagsignup nga kayo at ang apat na mananalo ay i-aannounce sa October 15, 2008.  Ayos? 

 





Baptized

26 08 2008

Kung meron mang masasabing tatak Pinoy, ‘yun ‘yung pagiging sobrang relihiyoso natin.   San ka pa makakakita ng bansang pati sapatos ay binibinyagan?  “Hoy pare bagong sapatos mo, binyagan natin”.  Sabay tatadyakan ka sa paa bigla.  Taena. Buti na lang at di ako tumuloy bumili ng salamin sa mata.  Baka pagdating ko sa opisina, salubungin ako ng “Pare, bago salamin mo, dali binyagan natin”, sabay sipa sa mata ko.   

 

Pati nga mga bagyo sa Pinas binibinyagan natin.  Pag nakapasok na nga ang bagyo sa Philippine area of responsibility, binibinyagan na natin ng pangalang Pinoy. Ibang iba sa international name na ina-adopt ng iba’t ibang bansa.  Ang hirap nun kasi nagkakaroon ng identity crisis ang mga bagyo.  Mag-iisip ‘yung bagyo, ‘Teka ang alam kong pangalan ko ay Typhoon Mercedez Benz.  Ako na ba ngayon si bagyong tsedeng?  Is dat me?  Tangena naman”.   Sa sobrang naguluhan, nagiging unpredictable tuloy course ng bagyo.  Conspiracy theory talaga.  Si bagyong Jupot nga, pagpasok sa Pinas nagiging bagyong Julina.  Hehe.  Nababadtrip tuloy ang mga bagyo kaya tignan mo, sobra kung sumalanta.  Kung ako ba naman, karespe-respeto ang tawag sa kin sa international scene sa tawag na typhoon Hunk tapos pagdating sa Pinas, tatawagin akong bagyong Onyok e talagang mag-wawala nga ako.  ’Kayong mga Pinoy kayo, letsugas kayo, hetong sa inyo!’ [insert sound epeks here ->…]

 

Marami rin ibig sabihin ng binyag sa atin.  Pag nagpatuli ka, ang tawag dun ay binyag.  Pag pers taym mong makipag-labing labing, tawag dun ay binyag.  Nagkukwentuhan nga kami sa opisina kanina ni pareng Abdiel. Kwento ni pareng Abdiel, si pareng Nathan daw sa wakas bininyagan na nung siyota niya.  Napasigaw ako siyempre.  “Ano?  Si pareng Nathan, tinuli ng gelpren niya?”.  Wehehe.  Biglang nagtinginan lahat mga kasamahan namin sa opis.  Andun ‘yung boss, manager, director lahat natigilan sa kanilang ginagawa.  Hay naku, ako pa yata magiging mitsa ng bagong tsismis.  Ewan.

 

*Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag-blog.  Masyadong akong nawili sa trabaho at tunay na buhay.  ‘Yang trabaho talaga panira sa pagba-blog. 





Crossroads

12 06 2008

Sa buong buhay ng isang empleyadong Pinoy nakakalimang palit siya ng trabaho. San ko nakuha ang statistics ko? Diyan lang sa mga tambay sa kanto. Tsaka napanaginipan ko din kagabi. Tsaka try mong mag-google, ganun din ang lalabas. At ngayon, aabot na ko sa panglimang trabaho ko. Pag sumobra pa ako sa lima, isa lang ang ibig sabihin nito, malamang mali ang statistics ko, hindi ako Pinoy, o taga-Jupiter nga talaga ako.

Sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, malaking porsiyento nito ang pag-aari ng Microsoft. Ngayong umalis na ko, di na talaga mangyayaring makaka-rubbing elbows ko pa si Bill Gates. Plano ko pa naman, pag nagpunta si Bill dito sa Pinas, aayain ko siyang makipag-inuman sa Tondo at patikimin ng gin bulag, ‘yung gin na nakakaduling sa mga hindi sanay tapos ipapahabol ko siya sa mga excon ng taga. Pano sinira ng Vista Ultimate edition ‘yung kabagu-bagong kompyuter ko. Ngayon, hindi na mangyayari ‘yun. Di ko na rin siya matatanong kung bakit ayaw nyang bumili ng sex appeal gayong bilyones naman ang pera nya.

Trabaho ko lang ang legal na karibal ng misis ko sa atensiyon. Pasensiya na, pero labs ko talaga ‘tong kumpanya at trabaho kong ‘to. Sinabihan na ako ng kuya ko na maling mahalin mo ang trabaho mo. ‘Trabaho lang ‘yan, pag hindi ka na malakas, hindi ka na nyan kailangan’. Para palang pokpok ang trabaho. Ewan, pero masarap talaga ang pag-ibig na pinagbabawalan.

Nakaka-guilty na umalis dito dahil una, walang pulitika sa trabaho. Lahat ng kaopismeyt mo propesyunal kausap. Lahat yata dito asal tao. Kaya tuloy napipilitan din akong magkunwaring normal. Pero paminsan-minsan di ko pa din makontrol ang biglang bibirit ng kanta sa loob ng elevator. Na punumpuno ng mga bosing at senior executives. Kung may siraulo man dito, ako lang ‘yun. At kung meron nga talaga akong kalahi dito, swerte kong di ko pa sila nakasalamuha.

Halos lahat din ng mga luho binibigay ng kumpanya. San ka pa nakakita ng kumpanyang may sariling kindergarten para sa mga anak ng empleyado, resident doctors, gym, boxing class, recreation center etc. Meron pang breastfeeding room na di ko naman alam gamitin. At san ka pa nakakita ng kumpanyang ipinapasara ang buong Greenbelt cinema para lang makapanood ang kanyang mga papampam na mga empleyado? San ka pa.

Andami ko nang pinanggalingang trabaho pero wala man lang akong maikumpara kahit abot hanggang kalingkingan man lang dito. Nakapagtrabaho na din ako sa gobyerno pagkagradweyt ng kolehiyo pero langya, unang sabak ko dun kelangang makisama sa mga sangkatutak na palautos na airheads. Ultimo ‘school projects’ ng kaibigan ng assistant ng boss mo e kelangang ipagawa sa ‘yo. Putangina. At mas matino pa nga ‘yun dahil ‘yung ibang katropa ko e tagabili ng banana cue pagpatak ng alas tres ng hapon. Para bang nag-hire sila ng college graduate para ma-garantiya na may sapat itong kakayanan na bumili ng banana cue at turon. Buti na lang at di sila tinanong noong nag-aapply pa lang sila ng trabaho ng ‘Totoo ba ’tong nasa resume’ mo na mahusay ka daw magbalik ng sukli? Marunong ka bang maglagay ng babana cue sa supot? Magaling ka bang magmasahe?’

Hanggang sa huli, kinukumbinsi pa din ako ni pareng Mark ‘The Big Man’, ‘yung HR namin na sa taong 2040 na lang daw ako magresign. Alangan, sabi ko bigay nya muna sakin sweldo nya para di na ako magresign, ayaw ba naman. Hehe. Mukampera kasi ako kaya nasilaw ako sa ‘job offer’ ng ‘the dark side’.

Pero dahil buo na ang loob kong umalis, gusto ko lang sanang magtenkyu. Sa mga nakilala ko, mga barkada kong ‘gobilam’, mga nakabatuhan ng football sa mukha, at mga hindi sinasadyang nakahawakan ng pwet sa elevator, maraming salamat sa mga makulay na alaala. Salamat din sa nagsoli ng wallet kong nawala kani-kanina lang sa opis. Inisnab ba naman ‘yung milyones sa wallet ko. Kaazar. Hehe. Alam ko namang uber honest kayo, masyado niyo namang pinapahalata.Wala nakong masasabi sa inyo. Paalam na lang, wala na akong makikitang mga taong katulad nyo – mababait, matatalino at siyempre, artistahin. Basta, tsienes tsienes na lang. In inglis, see you when I see you. It has been a pleasure! See you at the crossroads.