Thoughts Inside the Bus

11 01 2007

Suntok din sa buwan ang pakikipagsapalaran ko dito sa Maynila.  Baon ang ilang gamit at ang golden rule ng lola ko na na ’Apo, wag kang tatanga-tanga sa kalsada’.  Siyam na buwan na din ako dito kaya binago ko na ang golden rule ng lola base sa experience ko: ‘Okay lang na tatanga-tanga, basta’t meron kang pera’.  Sa lugar na tulad ng Maynila na araw araw kang bumibiyahe, kailangan ang pera.  Bibili ka nga lang ng suka, kelangan mo pang mag-jeep.  Hindi mo alam ang direksiyon?  Ok lang basta maypera ka.  ‘Yung bayaw ko ngang intsik na nakatira sa Binondo, walang kaalam-alam sa lugar yun pero sinasalpakan niya lang ng pera ang taxi driver sabay sabing “Shangli-lahh!”.  Alam na ng taxi driver.

Sa probinsiya, buhay ka na maghapon sa halagang bente pesos .  May pang pancit ka na, kamote, at pamasahe pauwi.  Isama mo na ang extrang dalawang piso para makapag-text sa minamahal.  

Dito sa Maynila, halose one third ng oras ko sa araw ang nauubos sa pagbiyahe-biyahe lang tulad din ng ibang nagta-trabaho dito.  Swerte ko na lang siguro dahil sa express way ang daan ko kaya bawas traffic pag skyway na.  Kung may traffic naman, nagiging hobby ko na ang panoorin ang mga taong nag-aabang ng sakay at mag-fill in the blanks sa conversations ng iba.  Singit ng singit sa usapan ng may usapan.  Kung medyo passive aggressive mode naman, nag-de-daydream na lang o kaya mag-dirty finger sa mga inosenteng bystanders.