Cross Cultural Communication

8 07 2010

Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. Kumbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.

At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.

Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom. [Opss, kwentong barbero alert]

Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.

Aussie1:        How do you say bad words in the Philippines?
Badoodles:   Gago tanginamo.
Aussie1:        It’s very long. There’s no short version?
Badoodles:   Pakyu.
Aussie1:        What do you call an ugly woman?
Badoodles:    A shrimp.
Aussie1:       Those are english words!!
Badoodles:   You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1:      What is beautiful woman?
Badoodles:  Pokpok.
Aussie1:       How do you say ‘Where’s the toilet’?
Badoodles:   Asan ang takubets?
Aussie1:       [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
Badoodles:   Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1:        How do you say ‘How much is this’?
Badoodles:   Magkano ka?

Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.

Indian Girl:   What do people in your country play?
Badoodles:    We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl:   Oh in India, we play titi.
Badoodles:   What?!
Indian Girl:   Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
Badoodles:   In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl:  Why? Women there don’t like titi?
Badoodles:    They like titi but they only play titi of their husband.

Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.

Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.

Ah, Question of the Day na ba. Sige, ang tanong ng bayan: Anong paboritong ekspresyon/mura mo pag badtrip ka? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago, o pinakahayup o kahit na anong sagot sa comment box. Ang di magparamdam, multo.

Piktyur 1.] Dito kami nagyoyosi breyk tapat ng train station nila na mukhang mall. May vandal din ako dyan na pentel pen ”Bawal umehi dito – Badoodles”.





Culture Clash

4 07 2010

Kahit nasa ibang bansa ako, hangga’t maari nagluluto pa din ako ng nakasanayang almusal – longganisa, daing o kaya tuyo na may kamatis, samahan mo pa ng sinangag at ‘yung tinatawag ng lolo kong bulol na nekskape. Kaya pagpasok sa opisina, umaalingasaw ang pagka-Pinoy ko. Napapatingin ‘yung mga hindi sanay sa ganung amoy. At kung marunong lang managalog ang mga opismeyt ko, malamang bumubulong na mga ‘yun ng ‘Andito na si amoy longganisa’.

Pero mahirap din maghanap ng pagkaing Pinoy dito. Kelangan ko pang dumayo sa kabilang bayan. Saka ‘pag sinabing ‘Asian grocery’ ‘wag mong asahan kaagad na may produktong Pinoy, pagkain lang ni Jackie Chan ang meron dun. Sinubukan kong tumingin sa grocery ng mga negro baka sakaling merong produktong Pinoy, wala din. Uling lang nakita ko dun. Hehe.

Pag tanghali sa opisina, dahil ako lang ang Pinoy [technically, dahil ‘yung isa pinanganak sa Pinas pero bumbay], at ayaw kong kumaing mag-isa sa isang sulok, sumasama akong kumain sa mga bumbay. Pero ‘yung mga bumbay lang na sinasamahan ko yung mga hindi amoy kili-kili [at hindi hinuhusgahan ang pagiging amoy longganisa ko]. ‘Yung iba sa kanila vegetarian dahil Hindu ang relihiyon nila. Ako naman relihiyon ko Hindut. Tinanong nila ako kung vegetarian ba ako, sabi ko oo, ‘vegetarian with meat’. Tawanan. Kaya tawag sakin sa opisina ‘vegetarian with meat’.

Hindi ako sanay kumain ng Indian food. Ang pinaka-initiation ko lang sa pagkaing indian ay chicken curry saka curry-curry [hehe, pero walang biro, ang kare-kare ay dating curry-curry, isang orihinal na pagkaing bumbay]. Pag nasa Indian restoran na kami, hindi agad ako makaorder dahil ang hirap bigkasin ng mga pagkain nila. Tunog titulo ng mga porn DVD sa bansang Tsekoslovakia. Tse-.. Chekos-.. Ganun kahirap i-pronounce. Kaya ang ginagawa ko, nag-iini-mini-mayni-mo na lang ako, at kung saan matapat ang daliri ko ‘yun ang pananghalian ko. Kaya ang ending, laging sira ang tyan ko. Minsan, may natsambahan akong madaling bigkasin, Bowel of Sambar kaya inorder ko naman. Kaya naman pala Bowel of Sambar, dahil pagkatapos kong kainin, sunod sunod ang bowel ko. Langya ganun pa din, sira ang tyan.

Anlaki ng problema ko ano? Pagkain. Lagi kong sinasabi, ang pagkain ang repleksiyon ng isang bansa. Tangina, anlalim. Gusto ko lang naman sabihin, hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar tapos hindi makakatikim ng pagkaing Pinoy. Kahit pa sabihing kakaiba ang pagkaing Pinoy, ‘yun na ‘yung kinalakihan ko. May patis na ‘yung ulam, bubudburan pa ng asin. Maalat, isasawsaw pa sa bagoong. Sabi nga ng bayaw kong Intsik sa paborito kong ulam na pinakbet, ‘Bakit kanyan pak-kain nyo maalat, palang pak-kain ng aso’, na sinasagot ko ng ‘Hoy supot, syatap!.

Kung makikipag-negotiate si Papa God sakin na dadagdagan niya ng ng limang taon ang buhay ko kung babawasan ko ng alat ang kinakain ko, sasabihin kong ‘Wag na lang po’. At least pag nadedo ako hindi ako mukhang matanda, dahil bata palang dedo na. Saka ‘yung pagkain ko ng maalat, malay mo mangailangan ako ng spare kidney, makakatulong pa ako sa ilegal na industriya ng bilihan ng kidney. Saka anong silbi ng pagkakaroon natin ng mga ‘kidney doctor’ sa Pinas kung hindi natin sila bibigyan ng oportunidad na kumita? [Lusot ba? Lusot?]

Anong pagkaing hindi Pinoy ang nagustuhan ko? Sa mga pagkaing Aussie, maliban sa barbekyu nila, wala na. ‘Yung pinagmamalaki nilang palaman na ‘vegemite’, lasang grasang may kalawang. Ok sakin ang Singaporean noodles dahil parang pansit canton with chili flavor lang. Pwede na din ang pasta ng mga Italian kung wala talaga.

Segue way ko ‘yan para sating Question of the day na: Anong pagkaing hindi Pinoy ang ayos sa panlasa mo? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago o kahit anong sagot sa comment box]

Piktyur 1.] Pritong salmon na ulam ni Badoodles. Iniisip ko na lang, kunyari bangus belly ‘yan.





My Princess DH

5 06 2010

Ate,

Huli tayong nagkita nu’ng hinatid kita. Galing ka ng abroad, nagpasundo ka sakin sa NAIA tapos diretso na sa bus terminal pauwi ng probinsiya natin. Kumaway ka na lang sa bintana ng bus, nagpapasalamat sa paghatid ko sa ‘yo. Pero di mo alam kung meron mang dapat magpasalamat sa ‘tin, ako ‘yun. Salamat dahil naging kapatid kita.

Salamat sa pag-intindi mo sa ‘kin. Alam ko wala kang choice dahil magkasunod tayo sa magkakapatid. Nung bata pa ako, ‘pag nagpapabasa ako sa ‘yo ng Funny komiks bago matulog, ginagawa mo naman kahit asar ka. Sinasadya mong bilisan magbasa wala tuloy akong maintindihan tapos sasabihin mo ‘Namatay ‘yung bida. The end. Matulog ka na’. Nung elementary na ko pinapaliguan mo pa din ako. Pagkatapos mo akong paliguan, binubuhusan mo ako ng sandamakmak na pulbos. Kaya pagpasok ko sa school para akong naglalakad na espasol. Grade one ako nun, grade six ka. Tapos kahati mo pa ako sa baon. Minsan sabi mo nilulon mo ‘yung babol gam na Bazooka, wala na ubos na. Di mo ko hinatian. Kala mo malalamangan mo ko. Sinabi ko hihiwain ko ‘yung tyan mo kung talagang andun ‘yung babol gam. Tinawanan mo lang ako. Bitch ka din.

Pero nakakaganti naman ako sa ‘yo. Minsan binato kita ng basketball sa mukha habang nakapa-FHM pose ka sa higaan mo. Ang arte mo kasi. Kung ginawa ko ‘ yun sa ibang kapatid natin baka napalo na ako. Pero wala, umiyak ka lang. Na-guilty tuloy ako. Gusto kitang bigyan ng babol gam pang-peace offering.

Pero kahit ganun tayo aso’t pusa, sa ‘yo lang ako nakikinig. Nung lumaki na ako tumigas na ulo ko, may sungay pang kasama. Andyan ‘yung nanggugulo ako sa bahay. Si ate Let sumasakit na ulo sa kin, tumatawag na ng pulis. Pero andyan ka pa rin para makinig sa ‘kin kung ano bang problema. Ang puno’t dulo lang pala ng lahat di nyo ko tinirhan ng ulam. Paminsan-minsan nangongonsensya ka. Sabi ko kasi paglaki ko poprotektahan ko kayo. Ako ang maaasahan niyo. Pero wala, promise lang ako ng promise di ko naman magawa. Isa lang akong higanteng promissory note. Sori.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Land of the Sheepshaggers

1 06 2010

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.





Catch Me If You Can

15 02 2008

Kakaiba talaga ang pagba-blog, nakakaadik.  Para kang may ‘Second Life’ sa ibang dimensiyon.  Suspetsa ko magiging patok pa ito sa mga susunod na henerasyon kaya malamang ganito ang magiging ‘future conversation’ ng bawat pamilya. 

Daughter:  Hate u na Dad.
Dad:  Bakit ba?
Daughter:  Ayaw mo akong ka-exchange link.  Kaazar.  Hmmp.
Dad:  Tangek, i ping back mo kasi ako. 

Pero dapat wag pa rin nating kakalimutan na der’s more to life than blogging.  Mga importanteng bagay tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan atbp.  Hehe.  At kung matagal akong mag-reply sa comment, heto ang mga pinagkakaabalahan ko sa labas ng blogging community: 

Football League.  Mainit ang match namin ng kalabang team nung nakaraang linggo.  Tanggal nga ‘yung isang ipin ng kasama kong si Harley, bali ‘yung nose bridge ni Brent, at duguan sa tuhod ‘yung dalawa pa, pero ayun, olats pa din kami.  Buti na lang ‘The Saints’ ang pangalan ng team namin kung hindi taena, baka dinaan na lang namin sa suntukan ang laro.  Nagcramps nga ‘yung hita ko pagkatapos.  Buti na lang tapos na ‘yung laro dahil kung nagkataong sa field ako na-injure, malamang nanugod na si BebeKo at pinagpapalo ‘yung mga nakalaban namin.  Protektib, kina-career ang pagiging stage wife.  Hehe. 

Manila Cup Dragon Boat Racing.  Kung matuloy kami, ito ang unang beses na magko-compete ako sa boat racing.  Ilang buwan na din kaming nagpa-praktis sa Manila Bay tuwing madaling araw.  Masangsang ang Manila Bay sa umaga dahil puno ng maliliit na isdang patay sa pampang.  Siguro nag-aaral pa lang lumangoy ‘yung mga isdang ‘yun kaya nalunod.  Sobrang lapot din ng tubig dahil sa plastik, dumi, at durog na dyebs, para nga akong naghahalo ng champorado sa higanteng kawa.  Kung di pa kami manalo sa ‘masagwang’ training na to, ewan ko na lang. 

Happy Walk.  Isang parada na sponsored ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Pupunta kami dahil espesyal kay BebeKo ang mga special children.  Psychologist kasi siya.  Saka andami kong natututunang aral sa mga special children.  ‘Yung tipong pano nila nae-enjoy ang mga simpleng bagay tulad ng pag-ihip ng mga bula sa hangin.  Para ngang nakakainsulto dahil hindi ko kayang matuwa dun.  Parang tayo tuloy ang may disability, dahil wala tayong kakayanan matuwa sa mga simpleng bagay sa buhay. 

GP2W Olympics.  Parang intrams ito sa kumpanya namin, kelangang makipagbonding moments sa opismeyts para isulong ang aking hidden agenda na mangutang pag nakapos sa budget.  Maglalaro ako ng scrabble, bowling at pitik bulag.  Nagpraktis na nga akong maglaro ng scrabble kagabi kapustahan si BebeKo.  Isang Red Ribbon cake ang pusta.  At ngayon ko lang aaminin na pag umaalis si BebeKo para baliktarin ‘yung pinipritong isda, pinapalitan ko ‘yung mga tiles ko ng mga ‘winning letters’ sa lalagyanan.  Hehe. 

Comedy Cartel.  Mangungumusta kina pareng Patrick, Tim at Allan.  May palabas sila sa Mag:net Café sa The Fort.  Sila ang bumuo ng Comedy Cartel, isang all boys comedy group.  Oo, dahil may humor din ang boys.  Bago pa ito naging big time group na Comedy Cartel ngayon, naging saling pusa nila ako noon.  Pero nag-hiatus ako sa grupo dahil nakakasagabal sa aking planong maging pinuno ng Abu Sayaff.  Ang totoo nyan, fall guy ko lang sina Kumander Robot.  Ako talaga ang may pakana ng lahat ng kaguluhan sa Pinas.  As in.   

Run For Pasig River.  Di ko alam kung anong konek ng pagtakbo para luminis ang tubig sa ilog Pasig.  Pero try ko pa rin.  At pagkatapos kong tumakbo ng matulin, titignan ko kung luminis nga ang ilog Pasig.  Pag hindi pa rin, iihian ko na lang.  Merong acidic property ang ihi ko katumbas ng chlorine sa gripo, kaya baka sakaling luminaw .  Pag hindi pa rin, at least sa pagtakbo, sigurado akong liliit naman ang butchog ko. 

Tree Planting at Ipo Dam.  Environmentalist kaya ako.  Dati akong nagtrabaho sa DENR bilang tagabilang ng puno sa gubat [oo, merong ganung trabaho sa gobyerno].  Pag may nagregalo sa ‘yo na ang wrapper e diyaryo o lumang Remate o Tiktik, ako ‘yun.  Mahilig akong mag-recycle.  Pati nga ‘yung brip na sinuot ko ng Lunes, side B naman ‘yun pagdating ng Martes.   

CashFlow Game.  Naimbitahan akong maglaro ng isang kaibigan sa Ortigas.  May bayad pero discounted na daw ito sa halagang 250 pesos mula sa orihinal na 800 pesos kapag nilaro mo ito sa Asian Institute of Management.  Ang CashFlow ay isang game na naimbento ni Robert Kiyosaki, kilalang awtor ng Rich Dad, Poor Dad.  Pag naglaro ka nito, matututo ka daw ng sandamakmak na business insights and principles.  Tamang tama ‘to sa ‘kin kasi balak kong mag-business ng puto at kutsinta.  May promo pa nga akong binabalak na sa bawat isang daang puto na bibilhin mo, may libre ka sa king isang pirated porn DVD.   San ka pa. 

Oo, meron pa pala akong asaynment na turuan ng Tagalog ang bago kong bos na poreynjer.  Heto i-email ko nga sa kanya mamya: 

Tagalog Assignment for the Week:  Astig – (azzz-teeeg) adj. 1. means cool
Use in a sentence:  The water I am drinking is astig. 

Tinuruan ko din si bos ng kaugaliang Pilipino tulad ng ‘pasalubong’.  U hev to give pasalubong ebritaym  you come from different place.  Na-excite yata, kaya kahit galing lang sa labas, may dala-dalang pop corn.   Inuuwi ko naman kay BebeKo.  Hehe. 

Ikaw, kwentuhan mo nga ako, magkamustahan tayo, anong pinagkakaabalahan mo outsayd blogging?