My Princess DH

5 06 2010

Ate,

Huli tayong nagkita nu’ng hinatid kita. Galing ka ng abroad, nagpasundo ka sakin sa NAIA tapos diretso na sa bus terminal pauwi ng probinsiya natin. Kumaway ka na lang sa bintana ng bus, nagpapasalamat sa paghatid ko sa ‘yo. Pero di mo alam kung meron mang dapat magpasalamat sa ‘tin, ako ‘yun. Salamat dahil naging kapatid kita.

Salamat sa pag-intindi mo sa ‘kin. Alam ko wala kang choice dahil magkasunod tayo sa magkakapatid. Nung bata pa ako, ‘pag nagpapabasa ako sa ‘yo ng Funny komiks bago matulog, ginagawa mo naman kahit asar ka. Sinasadya mong bilisan magbasa wala tuloy akong maintindihan tapos sasabihin mo ‘Namatay ‘yung bida. The end. Matulog ka na’. Nung elementary na ko pinapaliguan mo pa din ako. Pagkatapos mo akong paliguan, binubuhusan mo ako ng sandamakmak na pulbos. Kaya pagpasok ko sa school para akong naglalakad na espasol. Grade one ako nun, grade six ka. Tapos kahati mo pa ako sa baon. Minsan sabi mo nilulon mo ‘yung babol gam na Bazooka, wala na ubos na. Di mo ko hinatian. Kala mo malalamangan mo ko. Sinabi ko hihiwain ko ‘yung tyan mo kung talagang andun ‘yung babol gam. Tinawanan mo lang ako. Bitch ka din.

Pero nakakaganti naman ako sa ‘yo. Minsan binato kita ng basketball sa mukha habang nakapa-FHM pose ka sa higaan mo. Ang arte mo kasi. Kung ginawa ko ‘ yun sa ibang kapatid natin baka napalo na ako. Pero wala, umiyak ka lang. Na-guilty tuloy ako. Gusto kitang bigyan ng babol gam pang-peace offering.

Pero kahit ganun tayo aso’t pusa, sa ‘yo lang ako nakikinig. Nung lumaki na ako tumigas na ulo ko, may sungay pang kasama. Andyan ‘yung nanggugulo ako sa bahay. Si ate Let sumasakit na ulo sa kin, tumatawag na ng pulis. Pero andyan ka pa rin para makinig sa ‘kin kung ano bang problema. Ang puno’t dulo lang pala ng lahat di nyo ko tinirhan ng ulam. Paminsan-minsan nangongonsensya ka. Sabi ko kasi paglaki ko poprotektahan ko kayo. Ako ang maaasahan niyo. Pero wala, promise lang ako ng promise di ko naman magawa. Isa lang akong higanteng promissory note. Sori.
Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




Land of the Sheepshaggers

1 06 2010

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.





How to Kill a President

29 02 2008

Nakakaburat ang mga nangyayari sa bansa natin.  Bilib na bilib pa naman sa ‘kin ‘yung mga kaopismeyts ko pag nagsasabi ako ng huwag mag-abrod. ‘You are God’s little blessing to this country . This country is failing your expectations but you are still here to give it a chance’.   Kahit ako tuloy parang ayaw ko nang maniwala sa mga pinagsasabi ko.  Ultimo ‘yung pagsasabi ko ng ‘Pogi ako’, ayaw ko na ring paniwalaan. 

Parang gusto ko na ngang magpakalayo-layo at sa ibang bansa na lang tumira.  Gagamitin ko na lang ang talino at yabang ko para lalo pang paunlarin ang mga bansang tulad ng Singapore at Australia.  At siyempre, dun na rin ako magba-blog.  Sisimulan ko ang aking blogpost ng payak na bati tulad ng ‘Gud day mate.  Greetings from down undah’.  Pero sa kabilang banda, nagdadalawang isip pa din naman akong iwanan ‘tong bansang ‘to.  Isipin mo kung si Lozada na intsik beho ay mahal na mahal ang Pinas, ako pa kaya na isang lehitimong 100% purong exotic na nagmula pa sa mga lahing Ita-Indones-Malay.   

Medyo nakakabadtrip nga lang talagang isipin na ‘yung pipti tawsan pesos na tax na binabayaran ko taun-taon e mababalitaan ko na lang sa tv na ninanakaw na pala ng mga pulitiko.  Amazing packing sheet.  Pipti tawsan pesos, isipin mo yon?  Buti sana kung pinambili ng gobyerno ng asin na sinasahog sa kanin ng mga taga Payatas, e hindi eh.  Nakakahinayang. Biruin mo, ilang DVD ng haponesang hubad na sumisigaw ng ‘Boku no shiri ni kisu siro’ [kiss my ass] sana ang mapapanood ko sa halagang pipti tawsan.  Inis. 

Para mabawasan ang tantrums ko, boys night out kami nung isang gabi para manood ng Vantage Point sa Greenbelt kasama ang ‘Tatlong Itlog’ at si pareng Jay.  Hindi ko alam kung nananadya pero tayming naman ang pelikulang Vantage Point sa nae-experience nating gulong pulitika dito sa Pinas.  Tungkol ito sa assassination attempts sa Presidente ng US.  Umiikot ang kwento sa iba’t ibang point of views ng walong taong sangkot sa gulo – sina Dennis Quaid na gumanap na bodyguard ng presidente,   Matthew Fox na bumalimbing sa kalaban, Forest Whitaker [‘yung gumanap sa Last King of Scotland] bilang usisero at marami pang iba.  Pero eto na yata ang pinaka-astig na napanood ko ngayong taon.  San ka pa nakapanood ng pelikulang panay ang rewind – paatras ang sequence of events para matunton ang mastermind sa pagkakabaril ng Presidente.  Mamya ipa-flash sa screen ay ‘20 minutes ago’, tapos mamya ‘1 hour ago’, ‘1 day ago’.  Kala ko nga masosobrahan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan e umabot na hanggang panahon kung kelan nabuo ang lupa, karagatan at atmospera sa mundo.   

Heckshuli, nakakatanggal ng bad trip ‘yung pelikula basta isipin mo lang ‘yung mga binabaril ay sina First Gentleman, Abalos, at Neri.  Isama mo na rin si Lozada at iba pa.  Bakit ba nangengealam ka, gusto ko nga siyang isama. Spoiler Alert!  Eto lang ang pelikulang hindi ko nahulaan ang mastermind ng assassination.  Kahit ikaw hindi mo talaga mahuhulaan. Pramis.  Oo, ‘yung mamang sorbetero lang pala ang may pakana ng lahat ng kaguluhan.  Natalo tuloy ako sa pustahan.  Iniisip ko kasi ‘yung mastermind ay ‘yung paslit na babaeng pakalat kalat sa bawat eksena.  Malay mo, may part II, ‘yung bata pala talaga mastermind.   

Pwede kayang mangyari din ang ganitong assassination attempt kay GMA?  Posible.  Pag nangyari ‘yun, hindi malayong ang master mind ay ‘yung nagbebenta ng taho sa tabi tabi ng Malacañang.  [Attention intelligence unit ng kapulisan, PSG, ayan, binibigyan ko na kayo ng tip].  

May mga bloopers  din ang pelikula.  Sa Salamanca, Spain ang location ng pagkaka-assassinate sa presidente.  Nagkaroon kasi ng car chase sa skyway at overpass para tugisin ang mga salarin.  Pero ang totoo walang skyway at overpass sa Salamanca.  Pag pinanood mo ng mabuti, parang naghahabulan sila sa skyway galing Alabang at overpass sa may bandang Cubao, hanggang maghabulan sa Quiapo sa loob ng muslim compound na nagbebenta ng pirated DVDs.  Hula ko, dito talaga sa Pinas ‘yung shooting, malamang nagtipid ang producer.  Nakita ko pa nga si Lito Lapid at Robin Padilla na tumambling tambling e. 

Nung huli, na-save ng body guard ang presidente.  Nagpasalamat ang presidente sa guard at nag-moment silang dalawa, akala tuloy ni pareng Abjil gay movie ang pinapanood namin.  Oo, matinding conspiracy theory talaga to dahil mukang may relasyon nga ang bodyguard at ang presidente ng US.