Andaming nangyari mula noong huling kwento ko hanggang ngayon. Pero dahil di naman ako sigurado kung interesado kang malaman lahat ‘yun, etong timeline ng nangyari sakin mula noong isang taon para naman makahabol tayo sa mga nawalang oras at sandali:
– Nagbalik Pinas. Oo, anghirap pala ma-homesick. Ilang buwan palang ako abroad, sobrang homesick nako. Pag-uwi ko galing trabaho tulo-luha nako sa homesick. Buti na lang pinadala sakin ng misis ko ‘yung panty na pinagbihisan niya para pag nami-miss ko siya sisinghutin ko lang ‘yung panty niya, pamatay homesick na. Pagkatapos ng ilang buwan di ko na masinghot kasi pamatay na ‘yung amoy.
– Birthday ni Papa. Sakto pag-uwi ko, bertdey ng tatay ko. Wala akong maisip na regalo. Pinag-iisipan kong bilhan ng importanteng bagay na magagamit niya ng pang-matagalan. Pero baka di niya magustuhan ‘yung iniisip ko. Gusto ko siyang regaluhan ng memorial plan. Hindi naman sa gusto ko na siyang madedo dahil ‘di pa niya napipirmahan ‘yung Last Will and Testament na ako ang magmamana ng ekta-ektaryang lupain.
– Birthday ni Cute Little Monster. Si cute little monster ang aking nag-iisang anak [assuming na baog pako noong binata]. Dalawang taon na siya. Ambilis nga ng panahon, kelan lang sanggol pa lang ‘yun at ako ang naghehele sa kanya. Pag tinamaan ako ng katamaran magtimpla ng gatas o kaya wala pa ‘yung nanay niya [para magtimpla ng gatas], pinapadede ko muna siya sa utong ko. Matagal tagal din niya akong ginawang pacifier.
– Lipatbahay. Sa wakas, nakalipat na din kami sa ‘ming munting bahay sa Cavite. Eto na ang maipagmamalaki ko sa buong buhay ko dahil hindi ko pa naranasan magkaroon ng sariling bahay. Pwede nakong maglakad lakad sa bahay na walang salawal na walang magrereklamo sakin. Off topic, pansin ko lang sa Cavite, dito ko na siguro nakita ang pinaka-mainitin ang ulo na mga tao, lalo na ‘yung mga drayber ng traysikel, bus, at jeep. Minsan, hinabol ako ng itak ng isang jeepney driver dahil lang kulang ng piso ‘yung binayad ko. Bwisit na ‘yan. Pwede namang sabihing ‘Boss, parang kulang bayad mo?’. Walang nakakatawa dun pero gusto ko lang ikwento.
– Resign sa trabaho. Huling araw ko sa opisina. Sa mga katrabaho, meron at meron talagang ang papel sa buhay ay mangkupal. Nagkataon, ‘yung amo kong babae ang reyna ng mga kupal – Makati chapter. Lahat kaming kaopisina ay merong naging traumatic experience sa hitad na ‘to. Exhibit 1. ‘Yung kumpare ko na nasabihan ng ‘Hindi bawal gamitin ang utak, mag-isip ka naman owkei?’. Exhibit 2. Ako na sinabihan ng ‘Para kang si Jimmy Santos… walang kwenta’. Whoa. At marami pang iba. Di ko alam kung bakit ba sa ‘min niya binubunton ang galit niya sa mundo. Kasalanan ba namin kung malapit nang magsara ang pekpek niya at wala pa din siyang syota? Kaya naman bilang pagpupugay, nung huling araw ko sa opisina nilagyan ko ng ihi ko ang kanyang paboritong Army Navy iced tea. Asa conference hall siya noon. Naiwan ‘yung iced tea sa cubicle niya. Pagkakataon nga naman. Kunsintidor din naman ang mga kaopisina ko kaya nagawa ko ang maitim kong balak. Meron pa kong lookout sa pinto. Inubos ko ‘yung ihi ko sa iced tea, tinaktak ko pa nga e. Di pako nakontento, nilublog ko pa ‘yung betlog ko. Kinilig ako sa lamig. Pagbalik ni amo sa kanyang cubicle , napansin ‘yatang naiba ang posisyon ng kanyang iced tea. Inamoy amoy muna. Maya maya, ay nilagok na ng tuluyan. Pero parang wala lang sa kanya, dedma lang. Di ako nasiyahan sa reaksyon niya, kaya painosente akong nagtanong:
Ako: Ubos mo na iced tea?
Amo: HA? [Nilakihan ako ng mata. Ganyan itsura niya pag tinatanong, laging gulat] Bakit gusto mo ba?!
Ako: Ah.. eh.. Ambilis mo kasing naubos.
Amo: [High pitched na] Eh dapat sinabi mo sakin na gusto mo pala. Binigay ko sana sa ‘yo… Iba na nga ang lasa eh.
Yun naman pala. Tinignan ko mga kaopisina ko. Namumula ang mga itsura, pigil sa pagtawa. Gustong matawa pero takot tumawa. Sabi ko next time na lang, ‘pag may iced tea siya ulit. Moral lesson: Wag mo nang pangarapin na maging magkaopisina tayo.
Ano pa ba? Wala nakong maisip ikwento. Ayun, nag-apply pala ako papuntang Malaysia. Nasilaw ako sa salapi at huli ko nang naisip na ayaw ko nang ma-homesick ulit. Umurong ako. Idedemanda daw ako ng kumpanya. Sabi ko na lang namatay kasi ‘yung tatay ko. Totoo naman ‘yun, di pa nga lang nagaganap ngayon pero siguradong mangyayari din naman ‘yun sa hinaharap. Wala namang taong imortal.
Ikaw naman magkwento. Anong pinaka ‘memorable’ na nangyari sa ‘yo mula 2010 hanggang ngayon?
ASTIG! Nagbalik ka na nga! Sayang kung sa Malaysia ka na naka-destino eh magba-bus lang kami pwede na tayong mag-inuman. Nandito pa ba ate mo sa Singapore?
muntik na. one week na lang paalis nako nung nagback out ako. oo bro asa singapore pa din.
Naalala ko na naman ang putang inang mga kaibigan ko dito rin sa internet. Sinasabihan din nila akong Jimmy Saints. Okay lang ‘yung walang kwenta e, ang masaklap, kamukha ko raw.
Nagbalik ka na nga. Tinanong mo ba ang erpat mo kung nakailang samid s’ya noong sinabi mong dedo na s’ya?
hindi. nagbago na naman ng cellphone number yung gagong yun.
Wahihihihih,, you shall returning na talaga!!
Hindi ko sasagutin iyong tanong mo, kasi naging maligalig lang ako sa post mo. Talagang hinihintay mong mapakinabangan ng erpats mo ang memorial plan at ginamit mo talaga siyang dahilan para mag-backout sa Malaysia truly Asia!
Buti na lang, hindi maalat betlog mo kung hindi mapapansin ng boss mo na may kakaiba sa iced tea niya, nangangasim lang! LOL. :D:D:D:D:D:D:D
huling beses ko nang gagawin yun. may konsensiya din ako. sana.
Pota tawa nanaman ako ng tawa. You really back idol! Sana tinanggap mo yung Malaysia mag papaautograph me. LOL
Ang hirap naman ang question mo pero sasagutin kung bilang respeto sa alamat ng ng Humor blog.
Ang pinaka memorable sa’kin nang 2010 ay ang pagpunta ko sa Singapore para sa final interview, nakita kasi ako ng Boss ko sa Airport eh ang paalam ko Sick Leave lang me. Yun lang….
hoy jepoy. tanggalin mo nga yang me na me mo na yan. sasabihin ko pa naman sanang magaling kang magblog. wag na, me na lang.
Pota tawa nanaman ako ng tawa. You are really back idol! Sana tinanggap mo yung Malaysia mag papaautograph me. LOL
Ang hirap naman ang question mo pero sasagutin kung bilang respeto sa alamat ng ng Humor blog.
Ang pinaka memorable sa’kin nang 2010 ay ang pagpunta ko sa Singapore para sa final interview, nakita kasi ako ng Boss ko sa Airport eh ang paalam ko Sick Leave lang me. Yun lang….
umulit ka pa.
alam mo tama ka na ang mga tiga-cavite maiinitin ang ulo. nung kelan lang may minura akong tricycle driver e. =))
sa dami ng kashitan na nangyari sa’kin mula 2010 hanggang ngayon ayaw ko na ikwento. sayang ang kuryente. hahaha! ang bitter ko shet.
badudel salamat naman at nagbablog ka na ulet. yun lang.
jojie lam mo bang tagal kitang hinanap?. [kunwari nahirapan] buti sinubukan ko yung jojitah.wordpress.com.
Ultra-bionic asshole yung hitad na yun at mukhang nagka-instant vitamins sya galing kay badoodle…
Kagaya mo idol nakabili rin me ng bahay pero para sa parents ko naman at kasalukuyan ko paring binabayaran hihihi..
welcome back na talaga sir badoods..
congrats satin bro.
No comment muna ko jan, Mr. Badoodles. NO COMMENT 😀
basta ang alam kong update sayo kung saan saan ka naglalakwatsa. hehe.
welcome back the original kuwentong barbero!!!!
tnx bro.
…syang sir badoodles, d k umabot s cut-off ng T@tt Awards.
…strong contender k p nman sana.
andun si prof heckler pano ako mananalo dun? second fiddle lang ako nun. haha.
buti na lang walang kinalaman sa healthcare ang trabaho mo kundi mag kaka roon pa ko ng tiyansang makatrabaho ka. salamat po juskopo.
memorable ko this year.
ako: pag bilan nga yelo
manong: ilang iho?
ako: isa lang po
manong: wala na kaming yelo e. (bilis sumagot ng wala nang yelo kahit di pa tinitingnan ang freezer)
ako: nagtanong ka pa hayup. tnx.
welcome back badoodools
sinong nagsabi sayong walang kinalaman sa healthcare? saking mga kamay dumaraan ang mga gumagamit ng medicare sa tate. hehe.
salamat sa pawelkam paps.
Nice one..!! matesting nga yung iced tea na yun..!!! hahahaha back na back ka na IDOL Badodonoodles..!! xDD
Memorable: hmm..!! tumambling sa Syota..!! hahahaha yun lang at wala ng iba…
tumambling sa syota? literal ba to? kumusta na syota mo? ICU pa din? [daming tanong]
welcome back idol! nacurious ako sa manager mong yun. hindi naman siguro sa “strictly confidential” un. haha!
di naman bro. matagal nakong nakapag move on mula sa strictly confidential. ngayon gaguhang confidential na lang.
bossing, di ba sa makati stock exchange ka rito sa makati? totoo bang ginawa mo ‘yun sa boss mo? anlupet! pag ako siguro ‘yun, chinuchu na ng mga kaopismeyt ko.
ahm…taong 2010 ako nakapasa sa board exam. tapos taong 2010 ko rin nahanap ang babaeng kinerengkeng ko mula noon, hanggang ngayon, at magpakailanman. hihihi!
welkam back ule badoodles idol! \m/
congrats bro. you make me proud you baztard!? haha. congrats. ngayon namang certified accountant ka na ayusin mo na yung income tax ko. gusto ko wala akong babayarang buwis sa gobyerno. haha.
oi ang galing nagbalik si idol.. hahah dami ka talagang baong kwento ano.. hehehe
ayos yung pangganti mo ah hehe! ano kaya gagawin nya kung malaman nyang inihian mo pala yung ice tea nya. mukhang betlogs talaga pangganti mo sa lumalapastangan sayo. hehe! naalala ko yung kinuskos mo sa betlogs yung mga yelo na inabot mo sa customer.
at yung memorable na ngyari pala sakin last year ay nung tusukan ako ng malalaking karayom sa likuran para maalis yung tubig sa baga ko. at yung 1st 2 months ko na pag inom ng putris na mga gamot sa tb. wag na sana maulit.
welcome back na talaga!
hahaha lintik na yan..natawa ako sa iced tea experience mo..
laughtrip. 😀
San ka sa cavite?
ganyan talaga ang ilan sa kanila este sa amin pala.
wag lang matitigan ng matagal eh akala mo naghahanap na ng gulo.
lolz!
wala namang nangyaring kagimbal gimbal sakin o di kaya kasaya saya…ang boring nga eh..
katakot ngang maging officemate ka..ahahhaha
tumambling nga sa Syota ..!! di ko masasabing literal ewan di ko alam..!! kamusta syota ko?! ayun nanakit yung paa kakahilot..!! ICU muntik na di natuluyan eh..!!
Tanong ko lang, nung nagresign ka ba sinend mo ba ulit sa buong PDL ang farewell letter mo? parang yung kagaguhan mo sa accenture dati?
Kamusta parekoy? long time. saan ka ngayon?
bosing!!! totoo nga ang narinig kong balita bumalik ka na!!! yehba! hehe..sa cavite ka na pala..kapit-bahay na tayo! LOL 😀
waw…nagbalik ka nga…salamat sa masayang kwento….:)
Buti pa sa iyo boss ang daming nangyari from 2010 till now. Saken parang wala lang, maliban sa pagdagdag ko ng sandamukal na timbang hahaha. Aba ang bilis ng update, seryosohan na yata itong pagbabalik mo na ito (i hope) hahaha
homaygad. ser badudels, yer back! trulala, ginawa mo talaga yun? wagi! 🙂
T*ngina mong baboy ka! negro! itim batok! mamatay ka na huh
wow..tagal na akong reader mo. buti naman may mababasa na ulit sa iyo.
napadpad ako sa blog mo one time search ako sa google ng minsang mabore ako dito office ng “kuwentong nakatutuwa’ ‘. From then on reader mo na ako.
HAHAHAH ayos!
hello manong! tagal ko ring namahinga dito.nakakamiss
ayun etong taon lang nagresign ako sa work, ngbreak kami ng boypren ko tapos grumadweyt ako ng college! yehey..saya saya.
more post to come kuyang. congrats sa bagong bahay!
Hello! Merry Merry Christmas po, napadaan lang ako.
Happy New Year!! wala nang bagong kwento..
Napaka-hardcore na pag-resbak. Alam kong sira-ulo ako pero wala akong lakas ng loob na gawin yun kahit may balls naman ako na pansawsaw sa iced tea. Pakiramdam ko kahit sablay na yung ginawa sa akin nung ginagantihan ko, may matatanggap pa din akong resbak.
Apir-apir sa iyo Sir Badoodles!
ang kulit ni pekto amp xD. . si target? hanggang sa tv bastos .. anu daw sabi sa banyo ? xD. . kulit ni dello :))….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows